Chapter 24

7.5K 303 103
                                    


LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 24

Nag se – set up pa kami ng barbeque at inuman bago ang graduation bukas. Sinisimulan na rin naming ayusin yung mga gamit namin sa apartment dahil hanggang weekend na lang ang kontrata namin d'on. Pero bago kami mag imis ay yung alak muna ang uunahin namin.

"Oy p're, ang ganda ni Miss Tessa pala 'no? May tinanong ako kanina kay Dean tapos nakasalubong ko siya. Ganda pala niya lalo na malapitan, ang bango pa." Sabi ni Esso sa'min habang pinapaypayan yung iniihaw nila. Humigpit bigla yung pagkakahawak ko sa red horse sa kamay ko. Pinili kong 'wag siyang tingnan dahil baka masuntok ko ng isa si brad.

"Oo, maganda nga 'yon, laging habol tingin d'on mga kaklase namin ni Pipo sa klase, minsan pati kami habol tingin din talaga." Sabi ni Jacob na nakaupo sa lamesa, pasimple akong tumingin kay Jacob.

Napapansin kaya niya kapag nakatitig ako kay Miss Tessa?

"Sana naging teacher ko rin pala 'yon para naman kahit papaano nakaka excite pumasok." Sabi ni Esso. "Dapat pala di ko muna kinuha dati yung Philo para nakasabay na lang sa inyo, sayang eh."

"May magaganda rin namang teacher sa inyo ah, saka dami niyong kaklaseng chicks." Sabi ni Jacob, nakikinig lang ako sa kanilang dalawa.

"Sawa na ako sa mga 'yon." Sabi lang ni Esso.

"Sawa ka na pala eh, ipakilala mo sa'kin." Napalingon kami ni Chino pareho kay Jacob pero walang umimik sa'min. Hindi na ako nag react at masaya na lang ako na hindi na natuloy yung usapan nila tungkol kay Miss Tessa.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag message ako kay Miss Tessa. Hahayaan ko munang malasing ang mga 'to at saka ako pupunta sa bahay ni Miss Tessa.

Si Casey at si Chris isinama na namin sa inuman namin. Hanggang weekend na lang din kasi sila. Kami naman ni Jacob maghahanap ng apartment na mas malapit sa office. Pinalad kaming dalawa na maalok ni Boss Zac ng trabaho. May panibagong team daw kasi siya na nangangailangan ng tao kaya isinaman na niya kami ni Jacob. Baka kaya rin niya kami isinama ay para may mautusan ulit siya sa panunuyo niya kay Miss Sadie na mukha namang galit sa kanya.

-

Nag message ako kay Miss Tessa na hindi na ako makakapunta, hindi ako makatakas kila Chino. Ilang gabi na lang raw kasi kami sa apartment kaya sulitin na raw namin. Nang tingnan ko ang ilalim ng lamesa ay may karamihan na rin pala ang naiinom namin. May dalawang case na ng red horse doon at may isang bote ng Alfonso na de-tainga ang naroon. Tangina, mayroon pa kaming iniinom. Sinubukan kong tumawag kay Miss Tessa pero hindi naman siya sumasagot. Baka bukas na lang ako pumunta pagkatapos ng ceremony, lalasingin ko na lang ng labis ang mga 'to para walang magising kaagad at makaalis ako.

Napatingin ako kay Jacob na panay ang kulit kay Esso na papuntahin yung ibang kaklaseng babae ni Esso at ni Julian sa inuman namin. Palibhasa pinag uusapan nila kanina mga babae sa department nung dalawa. Napapailing na lang ako sa kaibigan namin pero wala naman kaming magawa dahil baka naman magwala ang isang ito kapag inawat namin. Parang adik si brad eh. Taboo na rin kasi ang kahit anong topic patungkol kay Rachel eh. Kami na ang nag desisyon n'on dahil parang nag iibang tao si Jacob kapag binabanggit si Rachel.

May apat na babae na dumating sa pag imbita ni Esso. Pinatabi agad nila yung isa kay Jacob. Mukha namang interesado si Jacob, ewan kung totoo pero ineentertain naman nila ang isa't isa kaya hindi bale na, saka malalaki na sila. Ga-graduate na eh. Yung isa naman na kaklase nila Julian ay kay Chino lumapit. Wala na nalapit doon sa dalawa siguro ay dahil sawa na rin sa mukha nila, habang yung natitira ay kay Chris at Casey na tumabi, umiling agad ako kanina dahil hindi naman ako interesado.

Lovely Little LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon