Chapter 22

7.7K 302 93
                                        

LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 22

"Pipo? Hello?" Tawag ni Miss Tessa sa'kin kasi hindi na ako nagsalita nang tanungin niya ako. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang isasagot ko, syempre gusto kong sabihin kung ano ang naiisip kong maiitulong niya sa akin kaso parang ang bastos naman.

"Uy, Pipo." Ulit niya pa.

"Miss, please 'wag mong itanong sa'kin 'yan dahil baka hindi magustuhan ang isasagot ko." Pag amin ko, naglalakad na ako paakyat sa kwarto namin sa itaas. Gusto ko na sanang takbuhin pero nahihiya naman ako sa may bahay.

"Huh? Bakit?" Tanong niya at napabuntong hininga ako, pumasok ako sa banyo at binuhusan ang katawan ko ng malamig na tubig.

"Ayaw kong pairalin ang libog ko, Tessa." Deretsong sabi ko at narinig ko na siya naman ang bumuntong hininga.

"Well, I just thought that I can help you in some ways." Flat ang tonong sabi niya.

Putangina, nag English na, galit na yata.

"Kung gan'on ay magiging tapat ako sa'yo." Huminga akong muli ng malalim ang lumunok ng laway bago ituloy ang sasabihin ko. "Kapag ginusto ko bang sexting tayo o mag PS ay papayag ka?" Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko.

"PS?" Tanong niya. Shit. Naisuklay ko ang daliri ko sa buhok ko. Totoo bang ito ang pinag uusapan namin ngayon.

"Phone sex." Sagot ko.

"Oh."

May ilang segundo siyang hindi nakasagot. Siguro ay dahil nagulat siya sa gusto kong mangyari.

"Wag mo ng isipin, ako na ang bahala. Tatawagan na lang ulit kita mamaya, shower lang ako."

"Okay." Sabi niya at ibinaba na niya yung cell phone. Tumapat naman ako sa ilalim ng dutsa matapos ibaba ang temperature nito at nag tagal doon.

-

"Hoy Pipo, tangina, may plano ka pa bang lumabas dyan?" Narinig kong sigaw ni Julian mula sa likod ng pintuan, may kasabay pang paghampas ng kamay niya. Pinihit ko pasara ang gripo at inabot ang isang towel na nakalagay sa cabinet sa banyo at ibinalot sa katawan ko.

"Tapos na ako, tangina, akala mo naman kanina ka pa r'yan sa labas." Sagot ko kay Julian nang buksan ko ang pintuan. Hindi naman sumagot ang gago at bumungisngis lang sa'kin, tapos hindi naman pumasok sa banyo, nangatok lang talaga.

"Tara na sa ibaba, naki luto ako r'on." Yaya niya kamakwan, tumango naman ako at sumunod sa kanya matapos kong makapag bihis.

-

Ang daming pagkain, parang fiesta na naman tapos puro seafoods. Tangina yung kambal ang galing maghimay ng alimango. Nakakatuwa na pinaghihimay nila si Frappe at si Latte, kahit papaano may ganitong side 'tong dalawa na 'to. Pero si Jacob talaga ang idol ko, gutay gutay na yung laman ng alimango, nakakaawa na eh, yung alimango ang nakakaawa at hindi si Jacob.

Matapos naming kumain ay tinawagan ko si Miss Tessa pero unattended na naman yung phone niya. Baka pinagpapatayan na niya ako ng cell phone ngayon dahil doon sa kanina, tangina nakakahiya eh.

Nakisali na lang ako kila Jacob doon sa cottage sa labas, may dalang malaking cooler yung kambal, siguradong beer na naman ang laman n'on. Nakikinita -kinita ko na ang future ni Latte, bukas makalawa maglalasing na rin 'to. Si Jacob at si Rachel naman panay pa rin ang moment, nakakainggit na.

Halos mag hahating gabi na nang natawagan ko si Miss Tessa, may inasikaso raw siya kaya nakapatay ang cellphone niya. Nahihiya na tuloy ako sa kanya dahil doon sa kanina. Hindi ko na muna binanggit 'yon, nag usap na lang kami tungkol sa ibang bagay. Grabe nararamdaman ko na miss ko na siya.

Lovely Little LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon