LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 11
Napalunok ako dahil sa ginawa niya. Bakit kailangan niya pa akong kindatan? Nag rarambol ang sistema ko. Ang cute cute niya sa paningin ko, pangiti ngiti pa. Geez, ang sarap halikan nito. Walang bahid ng lipstick ang mga labi niya, hindi iyong ganoon kapula pero parang nakakahumaling pa rin, parang ang sarap sarap damhin ng mga labi niya. Shit, tangina, kung anu ano na naman ang naiisip ko.
Pumaling ako sa ibang direksyon at kinuha ang kaha ng sigarilyo sa bulsa ko at nag sindi ng isang stick.
"Pahingi ako." Sabi ni Miss Tessa at kinuha niya yung kaha ng yosi na ipinatong ko sa ibabaw ng lamesa. Nagsindi rin siya ng sa kanya.
"Dapat hindi ka na rin nag yoyosi, Miss." Sabi ko sa kanya pero hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.
"Bakit? Ikaw din, hindi ka na rin dapat nag yoyosi." Sabi niya at bumuga siya ng usok.
"Sige, pareho nating subukan na mag quit." Hamon ko sa kanya.
"Kaya mo kaya?"
"Susubukan ko." Sagot ko.
Nakatitig siya sa'kin at ako man ay nakatitig din sa kanya, ang mga mata namin ay tila nangugusap. Tangina talaga, baka makabig ko 'to bigla at mahalikan ng isa or dalawa, pwede ring tatlo na agad.
"Susubukan ko rin." Sabi niya at inilagay na niya sa ashtray ang yosi niya, ginawa ko rin ang ginawa niya, simula na yata kaagad ng pagsubok namin, pero ako, simula na ng kalbaryo ko sa ibang bagay lalung lalo na at ang ganda ng ngiti niya sa'kin.
-
Nang matapos kami sa yosi break namin ay agad ko naman siyang inihatid sa apartment niya, nag thank you siya sa'kin. Umuwi naman ako kaagad sa apartment, hindi kasi maalis sa isip ko na gusto ko siyang halikan. Inaaya niya akong pumasok sa apartment niya pero ako na ang tumanggi baka hindi na kasi ako umuwi.
Nang makauwi ako ay narinig kong may ikinekwentong babae si Julian, meron daw siyang bagong crush, tangina. Mabuti na rin na kanya kanya sila ng pinagkakaabalahan para di nila ako masyadong mapansin, pero si Chino ay nakatingin sa'kin, tangina, alam ko na 'yang tingin na 'yan ni brad, isa pa 'tong maka CSI kung makapag obserba tapos hindi agad iimik hanggang hindi pa niya kumpirmado ang mga bagay, kapag tinanong ka niyan matakot ka na, alam na niya, practice na practice kasi siya kay Esso na napakaraming kalokohan. Si Esso naman ay nand'on sa sulok at may ka -skype, pilit na itinatago sa'min sa tuwing sisilipin namin, pero kakatwa dahil hindi naman siya nagsasalita pero naka headset siya. Baka yung kausap niya ang nagsasalita at ang reply ni Esso ay sa type. Parang adik eh.
-
Naunang umalis kanina si Jacob, di na ako hinintay dahil ipinapatawag daw siya sa Guidance and Counseling Office.
May practice pa kami ng basketball dapat dahil championship na bukas, ako na lang at si Casey ang nag attend ng practice dahil mukhang may emergency si brad.
Pagdating ko sa apartment ay nandoon si Rachel at si Jacob sa sofa, mukhang injured si Rachel, nakatanghod yung tatlo kaya nakigaya na ako sa pag iisyoso.
"Anong ginawa sa'yo ni Andrea?" Tanong ni Jacob kay Rachel, kaming apat naman nag hihintay ng sagot.
"Itinulak ako ng malandi mong ex sa hallway at masama ang bagsak ko."
Op op, itinulak daw ni Andrea, sinasabi na nga ba at may itim sa budhi ng isang 'yon eh, kaya di talaga kami komportable d'on kahit n'ung sila pa ni Jacob. Pinakikisamahan lang talaga namin si Andrea para kay Jacob. Hindi rin naman siya masyadong nakikipag usap sa'min saka hindi ko gusto yung pagtingin niya kay Esso, kay Chino o kahit kay Julian, sa aming apat. Hindi namin gusto na nag tetext din siya sa'min, lalo na kay Chino, hindi lang namin sinasabi kay Jacob dahil wala namang napapala si Andrea sa'min, hindi namin para gaguhin si Jacob. Nang unang beses kasi na ipakilala ni Jacob sa'min si Andrea ay okay naman, ang kaso habang tumatagal parang kakaiba na.
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romantik[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...
