LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 48
“Kung gusto mo ako na muna ang mag aalaga kay Darcy habang nag aaral ka para mas makapag focus ka?” Tanong ko kay Martha. Sinadya ko ulit na makita siya sa may lobby ng building at inaya ko siyang kumain. Pumapayag naman siya kahit pagkakain namin ay umaalis na kami. Hindi siya masyadong umiimik, isang tanong, isang sagot lamang siya pero ayos na rin sa akin iyon. Hindi ko inaaraw araw na makita siya para hindi naman niya mahalata na para na akong stalker niya.
“Is it really okay?” Tanong niya sa akin at ngumiti ako.
“Oo naman.” Ikaw pa ba? Kahit ano, para sa’yo.
“Thank you, iniisip ko na kila Ate ko siya ihahabilin.”
“H’wag na, sa akin na lang.” Sabi ko at marahan siyang tumango.
“Salamat ulit.”
-
Pagkatapos naming kumain ay dumeretso kami sa unit niya at kinuha ko muna si Darcy. Mahigit isang linggo na lang kasi at exams na niya.
Tumakbo naman papunta sa akin si Darcy at natutuwa ako dahil parang hindi naman niya ako nakalimutan. Sumulyap ako kay Martha na parang nahihiya sa akin.
Naiilang pa rin ba siya hanggang ngayon sa akin?
Hindi ko na masyadong inisip at kinuha ko na si Darcy at ang mga gamit. Muli namang nagpasalamat sa akin si Martha.
Sumama naman sa akin si Darcy at parang balewala naman sa kanya na hindi namin kasama si Martha. Pero kung sa akin lang ay mas prefer ko pa rin yung amo ni Darcy.
-
“Para kayong mag syota na hindi, ah.” Sabi ni Esso sa akin nang dalhin ko si Darcy sa restaurant. Hindi kami makapsok ni Darcy dahil maselan si Julian, baka raw magkaroon ng balahibo sa loob, magkaroon pa ng complaints.
“Wala, malayo pa kami sa kung ano kami dati.” Sabi ko lang at huminga ako ng malalim.
“Pero lumalabas kayong dalawa.” Sabi ulit ni Esso habang hinahaplos si Darcy.
“Oo, lumalabas kami pero saglit lang palagi saka kaya lang namang nangyayari iyon ay dahil inaabangan ko siya sa lobby ng building.”
Natawa si Esso sa akin.
“Galawan ng desperado ka, brad.” Komento niya at nagkibit balikat lamang ako sa sinabi niya, alam ko na naman kasi iyon.
“Okay lang, ayaw ko pa rin naman kasing mag all out sa pagporma, pagkatapos na ng exams niya, ayaw kong maka distract sa kanya.”
“Kaya nagpapapogi ka sa kanya at ikaw ngayon ang magulang nitong si Darcy?” Sabi ni Esso na may panunukso sa tono niya.
Tumawa naman ako at tumango. Wala rin namang magagawa kung tatanggi pa ako.
“Nasaan pala si Chino?” Tanong ko. Hindi ko kasi siya nakikita nitong mga nakaraang araw. Hindi ko na tinanong pa si Jacob dahil palaging naroon iyon kay Rachel. Hindi ko na masyadong nakikita iyon dito sa restaurant. Madalas ay sa opisina na lamang. Magkahiwalay kami ng team at maaga na raw pumapasok iyon dahil kay Rachel habang ako naman ang palaging huli na kung pumasok. Isa pa ay abala raw sila ni Rachel sa nalalapit nilang kasal. Paulit ulit na lang ang lokong iyon na ikakasal na siya.
“Ewan, kaaway ko ‘yun ngayon.” Sabi ni Esso na biglang sumimangot.
“Bakit? Anong nangyari?” Isyoso ko.
“Sinabi pala talaga kay Mama na asawa ko raw si Sophia.” Sabi ni Esso. Ayun, kung si Jacob panay ang pag broadcast na magpapakasal, ito namanb isa ay panay sa pagtanggi, mamamatay sa pag tanggi si brad sa estado nila ni Pia. Tangina, buti natitiis ni Pia ‘to. Kay Jacob, maririndi ka dahil paulit ulit na magpapakasal na siya, kay Esso naman mabubwiset ka sa tindi ng pagtanggi.
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romans[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...
