Chapter 16

7.9K 307 112
                                    

LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 16

Patapos na yung semester at na eexcite ako dahil malapit na akong maka graduate, internship na lang at ngiting tagumpay na ako, pwedeng pwede ko ng ligawan ng sagad si Tessa.

"Hi, good morning, Miss." Text ko kay Tessa.

"Good morning din, nag breakfast ka na ba?" Reply niya na ikinangiti ko.

"Hindi pa po, ako pa lang ang gising dito sa bahay kaya wala pang pagkain, ikaw ba? Kumain ka na ba?" Balik tanong ko sa kanya.

"Hindi pa rin ako kumakain."

"Sabay na tayo, punta ako dyan."

"Sige."

Mabilis akong naligo at nag sepilyo. Nag tricycle na ako papunta sa apartment niya para di na siya matagal na maghihintay.

"Good morning." Bati ko sa kanya at ngumiti naman siya sa'kin. Tangina, ang tamis ng umaga.

Pumasok ako sa loob ng bahay at sumunod sa kanya sa kitchen.

"Nakita ko nga pala si Andrea at si Jacob na magkasama kahapon." Sabi niya sa'kin. "Anong meron? Nagkabalikan ba 'yung dalawa? Papaano si Rachel?" Tanong niya, halata sa mukha niya na hindi siya masaya.

Mga tao sa bahay laging mainit ang ulo, actually lahat kami dahil si Andrea umaaligid kay Jacob, nakaka bastos siya sa relasyon ni Jacob at Rachel. Wala naman sanang masama kung mangangamusta lang siya dahil nga naaksidente si Jacob, pero yung halos araw araw siyang pumupunta ay hindi na okay. Maski kami ay nahihiya kay Rachel, baka kasi isipin niya na tino -tolerate namin at sinu-suportahan namin si Andrea. Tapos kahit magaling na si Jacob eh hindi pa rin tumitigil si Andrea. Kinausap na namin si Jacob at mariin niyang itinanggi na may namamagitan pa sa kanilang dalawa ni Andrea, kung sabagay, hindi naman si Jacob yung tipo ng gan'on, baka si Esso pa.

"Hindi, si Jacob pa rin at si Rachel, pero ayun na nga umaaligid si Andrea, sabi ni Jacob wala na talaga sila ni Andrea at mukhang okay naman sila ni Rachel, napag uusapan na naman yata kasi nila eh." Paliwanag ko tapos umaliwalas yung mukha ni Miss.

"Ah, mabuti naman, akala ko nagkabalikan yung dalawa, eh"

"Eh tayo po? Kailan magiging tayo?" Tanong ko tapos hinawi ko yung buhok niya na bahagyang humaharang sa mukha niya.

"Tayo? Mag aalmusal tayo." Sabi niya tapos tinaasan ako ng kilay. Inilabas niya sa ref ang mga ingredients na pwede naming lutuin na dalawa.

"After ko kaya maka graduate?" Sabi ko at pasimpleng tumingin sa kanya.

"Siguro dapat maka graduate ka na muna at saka na natin pag usapan 'yan."

"Talaga?" Parang nakaramdam ako ng excitement dahil sa sinabi niya. "Ibig sabihin may pag asa talaga ako? Shit, tangina, salamat!" Sabi ko at mabilis ko siyang nayakap pero bumitaw din ako kaagad. "Ay sorry."

"Ikaw, may pagka impulsive ka rin eh, n'ung nasa ospital nanghalik ka, ngayon naman nangyakap ka."

Hindi ako umimik at ngumiti na lang ako ng pilyo sa kanya. Hindi na rin naman siya umimik at iniabot sa akin ang kutislyo at ang kamatis, hilisin ko raw dahil magsasaing siya.

Ang saya, para kaming bahay -bahayan, parang mag asawa. Ayaw ko pa naman mag asawa pero mukhang masaya kung si Tessa makakasama ko, parang okay kung dadagdagan ko ng "is" yung "Miss".

-

Nang matapos kaming kumain ay pinaalis din niya ako kaagad, may lalakarin daw siya para sa enrollment niya next semester, gusto ko sana sumama kaso asikasuhin ko raw muna yung thesis namin para dere-deretso raw ang pag graduate ko. Nang marinig ko iyon ay hindi na ako umangal pa.

Lovely Little LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon