LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 36
Masakit ang ulo ko dahil hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi. Iniisip ko ang halik ni Martha at magdamag akong nakahawak sa labi ko at pangiti-ngiting parang timang. Nangangati ang mga mata ko na puntahan siya sa unit niya pero hindi ko ginawa. Nakakahiya naman kasi sa kanya.
Inisip ko na hintayin na lamang siya mamaya sa lobby para naman makabawi ako sa kanya. Ako naman ang magyayaya sa kanya na lumabas kami.
Hindi na muna ako kumain sa restaurant at dumeretso na muna sa opisina. Nasa may pantry ako at natanaw ko na bumaba si Rachel mula sa sasakyan ni Jacob pero bago tuluyang isara ang pintuan ng sasakyan ay nakita ko pa na hinawakan ng loko ang kamay ni Rachel. Tangina! Umagang umaga at magkasama sila?! Nagkabalikan na talaga ito.
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ko at nag message r'on sa tatlo. Tama talaga ang hinala namin at magkakabalikan din talaga ang dalawang ito.
Idagdag pa na tinanggap na raw ni Rachel yung trabahong iniaalok sa kanya ni Boss Zac. Tiyak na palakpak na ang tenga ni brad dahil araw araw na niyang makakasama si Rachel.
-
Nang dumaan ako sa restaurant ay nakita ko si Esso na nakasimangot at may kausap sa telepono. Hindi kasi gumagamit ng cellphone yung dalaw ni Julian kapag nasa restaurant kaya kung emergency ay mas maigi na doon sila tawagan.
Mukhang nakikipagtalo si Esso at mukhang frustrated na siya sa kausap niya.
"Ano bang sabi ng Doctor? Dapat hinintay mo ako, pwede naman akong umalis muna para samahan ka ... Oo nga, shh hey, hey, don't cry geez, hindi ako galit ... Okay, I'm sorry, I'm just worried pero hindi ako galit." Naulinigan kong sabi ni Esso. Naisuklay pa niya yung daliri niya sa buhok niya. Mukhang mamumuti na rin ang buhok ni Esso. "Uuwi na ako, wait for me, okay? Huwag ka munang matulog. Yes, yes, uuwi na ako right after this call. Yes, I promise, uuwi na ako talaga. Alright, I'll hang up now." Sabi pa ni Esso at ibinaba yung telepono. Inalis niya yung apron niya at at kumatok aa may counter.
"Balik ako mamayang closing." Sabi lang niya at tumango lang naman ako. Si Julian naman ay nag thumbs up lang habang parang wala namang narinig si Chino. Para talagang may asawa na si Esso na hindi niya lang sinasabi sa amin. Palagi kasi talagang may tumatawag at hinahanap si Esso, noong una ay hindi namin pinapansin pero habang tumatagal kasi ay tumatagal din yung pakikipag usap ni Esso sa telepono.
Pag alis naman ni Esso ay napasipol ako nang pumasok si Jacob kasama si Rachel. Talaga nagkabalikan na ang dalawang 'to. Tinawag ko naman kaagad yung dalawa sa loob ng kusina.
-
Nauna na akong umalis sa kanila. Umalis na ako dahil hihintayin ko pa si Martha sa may lobby ng building.
Usually ay alas otso y media hanggang alas nueve siya dumarating. Tumingin ako sa relo ko at naupo sa may couch, lampas alas nueve na pero wala pa rin siya. Tsk, kung ibinigay lamang sana ni Martha sa akin ang number niya disin sana ay matatawagan ko siya.
Marami na ang naglalabas-masok sa loob ng building pero wala akong nakitang Martha. Halos isang oras na akong nakaupo at nanghihintay pero hindi ko siya nakita. Nag pasya ako na akyatin na siya sa itaas, baka naman kasi hintay ako ng hintay sa lobby iyon naman pala ay kanina pa siya nasa itaas.
Nang marating ko ang tapat ng bahay niya ay nag door bell ako. Nakailan ako pero walang sumasagot, hindi ko rin naririnig si Darcy sa loob. Napabuntong hininga ako at umalis na, baka wala naman kasi siya sa bahay. Bigo ako na makita at makausap si Martha.
-
Tatlong araw ng ganoon ang ginagawa ko pero hindi ko pa rin siya nakikita kaya nag desisyon ako na puntahan na siya sa ospital. Nang dumating naman ako sa ospital ay sinabi ng nurse sa information na nasa operating room daw si Martha at baka matagalan pa roon. Hindi ako kumbinsido dahil nang itanong ko si Martha ay ang unang sabi ng nurse ay tatawagin niya si Martha. Parang pinagtataguan yata ako ng isang 'yon.
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romansa[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...