Chapter 4

10.4K 352 91
                                    

LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 4

"Very good." Sabi ni Miss Tessa nang ilapag niya sa desk ko ang test paper ko sa Ethics. Napangiti naman ako pero hindi ko iyon ipinahalata. Hindi rin kasi ako makatingin sa kanya kasi naalala ko yung lintik na chat ko sa kanya. Hindi na siya nagreply sakin eh.

"Dalawa lang mali mo? Tangina ka, Pipo." Sabi ni Jacob habang nakatingin sa papel ko.

"Language, Mr. De Lara." Si Miss Tessa.

"Ay, sorry po." Sabi ni Jacob, pero ibinulong niya sakin yung pagmumura niya, gago talaga ng isang 'to eh.

"Bakit di mo ako pinakopya?" Paulit -ulit na sinasabi ni Jacob sa'kin hanggang sa pag uwi namin sa apartment eh sinasabi niya sa'kin. Di ko na masyadong pinapansin at halimaw naman utak ng isang 'to. Pasado naman si brad, Tsk, si Jacob pa, di nag aaral pero laging pasa, kaso kung ako dalawa ang mali, si brad ay beinte, palibhasa late dumating sa exam kaya hindi natapos ni brad ang exam, hanggang test two lang yata siya, inuuna kasi ang landi, yari 'to kay Rachel kapag nakita ni Rachel ang score nito sa exam.

-

Nasa library ako para maghanap ng libro saka mga journals, medyo tamad ka group ko sa thesis eh, laging di nagpapakita, tangina mga ganong ka -grupo, tapos mag rereview na rin ako. Si Jacob matalino na sadya 'yon, tangina, sa totoo lang ang talino ng isang 'yon, yung minsan mababadtrip ka d'on kapag may sinasabi siya kasi parang kung saan niya napulot 'yon at siya na lang ang may alam tapos kapag di mo nakuha ipapaliwanag niya lalo sa'yo hanggang sa maintindihan mo, tapos sa klase bawal kang patanga -tanga kasi parang hinuhusgahan na niya pagkatao mo kahit di naman siya naimik. Kahit mas mataas grades ko kaysa 'don imba 'yon, di na nagrereview isang 'yon palibhasa alam niya na kaya niya naman pumasa kahit di siya masyadong nag aaral pero masipag din talaga mag aral 'yon, pero para sa isang matalinong gaya niya ay patanga -tanga siya nung sila ni Andrea, buti nag break dalawang 'yon, kakaawa si brad, parang alila, layo ng diperensya n'ung sila ni Andrea sa ngayong sila ni Rachel, hindi naman sa panghuhusga ng tao pero parang ganda lang si Andrea, eh. Si Esso naman saka si Julian may kanya kanyang paraan ng pag aaral, pero tangina sa mga practical exams 'yong dalawa, halimaw din. Si Chino ginagamit ang ER para mag review, ang kulit nga naman kasi ni Esso, sa totoo lang kahit mag ka edad silang dalawa dahil kambal sila kapag nakasama mo sila parang kung ilang taon ang tanda ni Chino kay Esso, tapos hindi mo naman basta basta mapapalabas ang isang 'yon, medyo takot sa tao 'yung si Chino, pero kapag sa inuman mo niyaya naku mauuna pa sa'yo. Parang sa aming lima si Chino ang pinaka matanda, ang responsible n'on kahit tomador, mas madalas mag inom 'yon kaysa sa'min, nagkataon lang na kapag ako 'yung nainom di nagtitira ng pang uwi.

Nakatingin ako sa labas nang makita ko si Miss Tessa na naglalakad, as usual, naka itim siya, saan kaya ang klase niya? May dala siyang libro tapos may lumapit sa kanya na estudyante, parang may tinatanong at pinanuod ko sila doon mula sa second floor ng library. Naisip ko pwede rin pala ako magtanong kay Miss Tessa at sa ibang professors namin, kaso kay Jacob na lang dahil nakakahiya at makakaabala pa ako. Tumingin si Miss Tessa sa direksyon ko at dagli akong napasubsob sa librong nasa harap ko. Tangina, nakita niya kaya ako? Nakakahiya. Mabilis kong isinara yung librong binabasa ko at lumipat ako ng ibang pwesto, baka makapunta pa ng library si Miss Tessa.

-

Umalis na ako ng library at umuwi na, buti na lang at di naman nagpunta doon si Miss Tessa. Pag uwi ko sa bahay wala pang ulam, busy sa pag aaral yung mga tao, si Jacob at Rachel ang nasa veranda at nag rereview.

"Anong ulam natin?" Tanong ko sa kanila.

"Wala p're, mag take out na lang tayo." Si Esso ang sumagot.

Lovely Little LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon