Highschool 2

709 21 4
                                    

New Life

So 'yun nga. Pinaliwanag ko ang lahat sa mama ko. Simula sa una hanggang sa huli. Naiintindihan niya naman kasi ang sitwasyon ko.

Teka guys... medyo naiinip na ako sa flow ng story ko kaya ifa-fastforward ko na.

Fastforward

Grade 6 na ako. Mas madaming hirap na ang naranasan ko. Ang hirap pala makipag-kumpitensya sa isang taong kakampi ang mundo. Natalo ako sa eleksyon para sa Mayor ng SPG (Supreme Pupil Government) dahil alam niyo na rin siguro. Wala lang din sa'kin nun nong una, pero dahil may saltik yata talaga ang mga epal kong teacher, sinabi nila na additional 6 points daw 'yun sa grade niya. Eh 3 points lang pala. Kakayanin 'yan.

Dahil nga sa naiinis na ako sa mga teacher ko, pinag-igihan ko pa ang pag-aaral. Nanalo ako sa Science Quiz Bee noon, 1st Place. Walang binatbat mga kasama ko. Cheret.

Binagsak ko naman ang History dahil naiinis ako sa teacher na nagtuturo sa'min non. Pfft! Naniwala namang pinalitan ko lang ang mga sagot ko. 'Yun pala iba talaga ang sagot.

So, nagbunga naman ang hardwork ko. Kahit kalaban ko ang mundo, nairaos ko ang lahat. Naging valedictorian ako ng klase. Salamat sa bestfriend kong laging nandiyan para sa'kin. Kainis talaga si Jai2x, tinakot pa akong kapag hindi ako naging valedictorian, ililibre ko siya ng sampung fishball. Dahil kapos ako sa pera, sineryoso ko 'yon. Pfft! Babaw talaga ng kaligayahan ko. Pero syempre, hindi naman enough na reason ang fishball. Palusot ko lang din 'yon pero maging grateful siya sa'kin.

At ngayon nga, highschool na ako. Rock en roll!

Highschool

Grade 7 na ako. Ang bilis ng panahon. Hindi ko na pala napansin. Sinabihan ni Mama si Ate Zo na ihatid ako sa multicab. Wengya. Halatang napipilitan lang siyang sumunod. Kinakabahan pa ako baka iwan niya na ako bigla sa syudad para hindi ko na siya magulo. Dakilang bruha pa naman.

"Oh, Zen Angel Rion. Bahala ka na mamuhay mag-isa. Kapag tinuruan kita ngayon, 'di ka matututong mag-isa," sabi niya at inihagis sa'kin ang bag ko bago pairap na umalis. Kakairitang babae!

Sumimangot lang ako at sumakay nalang sa jeep. Kala niya hindi ko narinig na sinabi niya sa driver kung saan ako ibababa? Yiiieh, caring siya ng onti.

Wengya! Anong petsa na pero hindi parin ako nakakarating.

"Ate paabot nga," utos nung katabi ng katabi ng katabi ko.

Makautos 'to 'kala niya close kami. At dahil sanay na akong magbingi-bingihan ginawa ko na.

"Hoy ate! Paabot na kasi!" Pasigaw na utos ng babae.

Dahil ayaw ko nga ay naghead-bang na ako. Sabi nang ayaw kong inuutusan eh.

Kumanta pa ako ng mahina.

Kakaunti nalang ay tatawa na ang mga istudyante sa harap ko. Saya niyo ah.

"Hay naku! Batang eto! Wala namang pinapakinggan! 'Kala niya naman 'di ko alam na wala siyang suot na earphones!" Iritadong reklamo nung babae saka tumayo at siya na ang nagbigay sa drayber. Kita mo na. Mas matanda siya sa'kin pero kung maka-ate parang mas matanda pa ako sa kaniya.

Sa nangyari ay puro tawa ang natanggap ko nung makababa ang babae. Saya talaga nila 'no?

At dahil maganda ako, inabot nang alas otso imedya bago ako nakarating. At dahil medyo tanga din ako sa direksyon e kung saan-saan pa ako nagsususuot. Kung hindi ko pa tinanong ang guard namin eh malamang forever naligaw na ako. Pwede ko pa ngang gawing, Dristine's Wonderful Adventure on the City ang mga katangahan ko bago ako makapasok sa school namin eh. Wengya.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now