Highschool 10

168 7 2
                                    


Highschool Disasters: Pagsisisi? Mararamdaman ko kaya 'yun?

Simula nung araw na 'yun, naging kami. Mas naging sweet na siya sakin lalo at agad niya akong niyaya sa pinakaunang date namin. Sa Blue Star daw. Isang cafe na hindi ko alam.

Nakasabay ko si Hanna, isang kaklase kong playgirl. Bale, isa iyung double date... kasama ang barkada ni Brent na si Neliod. Medyo mahirap sabihin ang direksyon kung siya ang nakatingin sayo. Magkaiba ang galaw ng mata eh. Pero mabait naman siya saka palangiti kaya hindi siya mahirap pakisamahan.

Tatabi sana ako hay Hanna pero ayaw niyang umusog. Medyo natatawa pa siya habang nakatingin sakin.

"Na, usog na kasi. Tabi tayo"

"Ohh? Ayoko nga. Dun ka"

Nag-away kami ng nag-away pero wala naman akong nagawa kundi umupo doon sa pang two seater na upuan. 'Yun pala, ganun naman pala talaga dapat. Date eh. Tsk. Nalaman pa tuloy niya na wala akong alam at inosente pa ako. Tsk.

Pagkarating ni Brent sa parang bench na upuan, naglapag siya ng taro na large pa yata. Nung una 'di ko pa alam ang tawag doon. Inosente pa ako masyado dahil malamang, probinsyana ako at hindi ko alam ang mga bagay na 'yon.

"Tin oh, ubusin mo ah?" Nakasmile niyang sabi. Pansin ko pang parang nags-sparkle sparke ang bilugan niyang mata.

"A-ano, 'd-di ko mauubos 'yan" nauutal-utal kong sabi. Nang maging kami kasi bigla nalang akong nakaramdam ng awkwardness.

"Hmm. Okay lang. Pahiram naman nung cellphone mo"

__

Days passed maganda naman ang unang dalawang linggo naming dalawa. May times na nagdate kaming ako ang gumastos pero maliit lang. Madalas kasi siya ang nanlilibre sakin. Sa lahat ng bagay siya ang nagbibigay sakin. Nag-ipon pa daw sila ni Neliod ng isang libo para sa date naming nung una. Ako tuloy nakonsesnyang hindi ko inubos ang tarong 'yun. Akala ko kasi bawal itake-out ang mga ganun. Halatang-halata nga sa mukha ni Brent na nasasayangan siya.

Tuesday.

Pupunta daw kaming Citymall para mag-arcade. Napansin kong kanina pa nakatingin si Brent sa mini basketball court, pero hindi ako pumunta doon. In the end, ako parin ang masusunod dahil ako ang girlfriend. Nilihim din namin ang relasyon namin, 'yung mga tao sa school lang ang nakakaalam. Or better say, mga kabatch lang namin ang nakakaalam.

Matapos kong mag-racing ay pinagbigyan ko na siyang pumunta sa shooting game. Pero hindi naman siya naglaro dahil nandun si Hanna at tryhard na tryhard sa pagsho-shoot ng bola. Perks of a not so tall height.

Pero nagulat ako ng bumaba ang kamay ni Brent papunta sa kamay ko at pinagsalikop iyon. Medyo kinurot ko pa ang braso niya dahil pasmado nga ako. Kadiri 'yon.

"'Wag kang mag-alala, kahit bumaha pa sa sobrang tubig 'yang kamay mo... love parin kita"

Sa mga panahong 'yon, hindi maintindihan kung bakit parang may kung anong bulateng umiikot sa tiyan ko. May umakyat din na init sa pisngi ko. Perstaym na naman kasing may gumawa sakin nito. In any physical contact kasi, naiilang ako.

Wednesday.

Nag-announce ang teacher na mayroon daw kaming Golden Pen, Literary Writeshop. Kasama ko si Maze at Hanna doon. Ako sa News Writing, si Maze sa Sports Writing at hindi ko alam 'yung kay Hanna. Baka cartooning o editorial ang kaniya. Sa may Ati-atihan Inn daw. Akala ko ang layo, isang-daang metrong lakad lang pala. Medyo paasa siya 'no? Isang araw lang pala 'yon kaya okay lang sa'kin. Malamig n'on sa loob, at kung sinuswerte ka nga naman. Katabi ko pa si Maze. Medyo magkadikit kami n'on kasi nga malamig. Pero may sira-ulo palang nag-picture samin n'on, sa gan'ong posisyon. May sapak yata sa utak dahil ang sweet daw namin. Kahit ipakain ko pa siguro sa kaniya si tutor hindi siya mahihimasmasan sa kagagahan niya. May times nga din na hinawakan ni Maze ang kamay ko para hindi ako lamigin kaya nginitian ko lang siya.

Lunchtime

Mabilis na nagsialisan ang mga kagrupo namin sa workshop dahil nagugutom na daw sila. Kailangan pa akong hintayin ni Maze kahit sinabi ko nang 'wag na. Dagdag pogi points. Ang gentleman eh.

Ang bagal ko kasi talagang magshoe-lace. Lalong-lalo na, ang dahilan ay hindi ako marunong gumawa non. Tsk. Bakit ba kasi 'di ako matuto-tuto non.

"Tin, ilang oras ka na yatang nakayuko diyan?" Tanong ni Maze at saka lumuhod sa harap ko at tinali na ang laces ko.

Ngumiti naman ako sa kaniya. "Salamat Maze! Hulog ka ng langit... una mukha" pangisi-ngisi kong asar na tinawanan lang niya.

Pero chuckle lang naman. Medyo mahiyain talaga siya eh. Nagkataong hindi kami naka-catch up sa mga kasama namin kaya kami lang talagang dalawa ang kumain ng lunch.

Pumunta kaming Citymall noon at doon muna naglunch. Tutal, my food court naman doon. Pero napansin ko, habang kumakain kami ni Maze, may nakatingin sa'king babae. Medyo malungkot pero may halong inis ang mukha niya.

Thursday

Nakasmile akong pumunta ng school. Maganda ang araw ko kasi nanalo ako ng Runner-ups sa News Writing Contest. Kahit runner-ups lang okay na sa'kin. Achievement na 'yon.

Naramdaman ko ang bahagyang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa. Ugali ko ng vibrate lang ginagamit dahil bawal ang maingay na cp sa room. Madalas kasing pagalitan kami ni Sir nung grade six kami kapag tumutunog ang cellphones namin na nagdi-distract sa klase namin.

Pagbukas ko ng cellphone ay may mensahe pala galing kay Brent.

From: Brent <3
Happy Monthsary Dristine ko. :)

Monthsary na pala namin... ni hindi ko napansin. Hindi ko ngarin matandaan kung kailan naging kami. Medyo nagulat pa nga ako na natatandaan niya pa pala 'yon.

Naalala ko... minsan niyang sinabi sakin ang tungkol sa ex niyang si Christine Joy Reolado. Nang makita ko ito, napansin kong maganda ito. Magaling ding sumayaw at maganda lagi ang ngiti. Pakiramdam ko tuloy, nagka-crush ako sa isang babae nang makita ko siya. Maputi, may pwet, may boobs pero hindi ganun kalaki, medyo kulot ang buhok at magaling pumorma. 'Yung hindi maarte kung kumilos at hindi masyadong pabebe manamit. Isang taon daw silang naging mag-on ni Ate Christine pero nagbreak daw sila dahil nangaliwa daw ito. Tssk. Ang ganda pa naman.

Pero nagtataka lang ako, nang malaman ko 'yon ni wala akong maramdamang selos o ano. At kahit pilitin ko ang sarili ko, o halukayin ko ang puso ko, wala talaga akong maramdamang kahit ano.

To: Brent <3
Happy Monthsary din :)

Hindi talaga ako mahilig magpakasweet kaya walang kung ano-anong kakaiba sa mga text messages ko. Ni kaya kong bilangin ang mga kakaunting ganun gamit ang mga daliri ko.

From: Brent <3
Labyu... 😚

Itong relasyon namin, pagsisisihan ko kaya? Pagsisisi? Mararamdaman ko kaya 'yon?

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now