Highschool 33

103 5 0
                                        


Kinabukasan binagalan ko na naman ang kilos. Sa sobrang bagal, bumubusina na ang tryc nila Sherrie ay 'di pa ako kumakain. Normally, by summer ay 'di talaga ako nag-aagahan. Brunch oo, pero kung breakfast talaga ay 'di na. By 10 ako kumakain at 'di na ako naglalunch. Kung minsan baliktad, alas dos ako kumakain at wala ng breakfast.

Okay enough of the chika. Agad kong kinuha ang bag, namingwit ng iilang loaf bread na nakadisplay lang sa ibabaw ng table ko dahil madalas akong magutom at saka nagmadaling pumuntang tryc.

Medyo malayo-layo pa ang kailangang lakarin dahil ilang metro ang layo ng kalsada mula sa bahay namin. 'Yun tuloy ang aga kong nagmarathon.

Siguro nainip narin 'yung driver namin dahil kunot-noo na siya. Well, wapakels. Mwehehehe. Medyo nakonsensya naman ako ng slight pero sige nalang.

Nae-excite akong magkuwento kila Shemz kaso 'di nga pala sila mahilig makinig sa mag chika ko kaya kela Ara nalang mamaya.. yiieh.

Bigla akong nakabasa ng isang placard na may nakalagay na, 'Smirks' tapos may nakalagay sa ilalim na, Dental Clinic.

Smirks.

"Uy Shemz! 'Di ba 'yung smirks na 'yan 'yung palabas sa T.V? 'Yung maliliit na kulay blue at mukhang mga puppet na ang sarap pugutan dahil nakakagigil? 'Yung, 'The Smirks and The Lost Village'"

Napatingin sila sa'kin at nagsibalik sa kaniya-kaniyang ginagawa. Nagbigay sila ng panandaliang katahimikan... at saka nag-usap ng hindi ako sinasali. Mga snob.

Kakainis talaga mga snob no? 'Di namamansin? Hahaha!

'Hahahahaha! Grabe Zen ang galing mo mag-joke! Pero 'wag ka na uulit ah? Keyla Ara nalang para may tumatawa kahit plastik! Hahahaha. At least sila may support.'

'Etong mga 'to mga... suppot lang. Psh'

Pagdating namin sa school ay nakasara parin ang second gate kaya naghintay nalang kami dun sa labas ng ilang minuto. Atat na atat na akong pumasok. Nakakaexcite kasi.

Wait. Ba't nga ba ako naeexcite?

'Ah basta! Walang pake'laman!'

Nang magbukas ang gate at saka kami pumasok. Nagpatupad nga pala ng bagong batas si Sir Estrell, bawal na daw kami magpasok ng plastic sa loob ng school dahil masyado na daw maraming ang non-bio's at masyado daw iyong harmful sa nature ng school.

'Harmful pala eh, ba't ang dami parin nila?'

Hahahakakatawayonhahaha!

Tapos diretso agad ako sa room dahil nabuksan na din. Wala pang halos tao pero okay lang naman maghintay ng onti.

Pero may napapansin akong kakaiba. Parang may something sa paligid na 'di ko mapangalanan. Alam mo 'yon? 'Yung feeling na ang bigat ng atmosphere kahit parang normal lang naman ang lahat? Hindi naman sa masyado akong chismosa pero (parang ganun na nga), malakas lang talaga ang pakiramdam ko eh. May something talaga.

Parang may hierarchy din ang 'tong room namin eh. May Alphas at Beta kumbaga sa pack.

Kami sa commoners kami. O 'yung walang-pake'laman type of group. May mga nagrereyna-reynahang kababaihan, may mga nahahari-hariang kalalakihan, may iilang nanatili lamang sa katahimikan at may iilang nais makisapi pero wala lang sa pabor ng nais puntahang grupo dahil masyadong naoop at hindi pasok sa taste.

Maya-maya lang ay unti-unti ng nagsidatingan ang mga kaklase ko. Sila Pearl, Jossette, Lovely at Ara.

Pero 'di muna ako lumapit sa kanila at lumabas na muna ng room. Nakita ko si Davis 'yung nobyo ni Victoria. Napadaan sa harap ng room namin.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now