Epilogue

175 6 0
                                    

Yeah, when I said that my next boyfriend will be my lifetime partner... I was wrong. I realized that it was the worst decision and the worst choice of my life.

Noong araw na iyon, may tumawag sa kaniya at sabing nasaksak daw si Raehance at sa dami ng sugat niya ay kailangan niya ng operasyon.

Matapos ang operasyon ay nanghina ito at nagkaroon ng infection kaya kailangan nilang lumipad sa ibang bansa para maipagamot ito.

Dwayne kissed me goodbye, saying that he'll be coming back for me... but guess what? He never came back.

Doon na daw sila magma-migrate at hindi na sila babalik.

Parang hindi niya manlang ako ni-respeto at ang nararamdaman ko. Ni hindi niya manlang naisip na nasasaktan din ako. Bakit kaya ganun 'no? Ang galing nilang mang-iwan. Ang galing-galing! Nakaka-proud sila!

"Zen?"

"Nakngtupa!"

Tumilamsik ang mantika sa'kin kaya agad akong napalayo sa kawali. Narinig ko ang malutong na tawa ng bwiset na nanggulo sa'kin mula sa likod bago niya ako hinila papunta sa sink at nilagyan ng toothpaste ang paso.

"Ano ba kasing iniisip mo at tulala ka diyan?"

"Iniisip ko lang kung natuluyan na ba iyang kapatid mo at kanina pa 'yan nandito sa bahay, namin?"

Tumawa siya ng mahina at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Bakit ba galit ka lagi sa kapatid ko, Zen? Gusto mo 'yan dati ah?"

Sinapak ko siya sa balikat. "Hindi ah. Pero ba't nga ba nandito 'yan ah? Bugbog na naman. Dyusko, ilang taon na 'yan ah?"

"Zen please?! Just let my brother mend my wounds! Hindi ako nagpapahawak sa kahit na sino! Sino ba kasi 'tong babaeng 'to?" Dinig kong sigaw noong basagulero niyang kapatid mula sa sala. Natawa ako ng mahina.

"Ven huwag mong gahasain iyan," natatawa kong sabi na sinagot lang din ng hagikhik ni Ven.

"Akala ko talaga mamamatay na 'yang kapatid mo nung nasaksak 'yan at nabugbog. Bakit ba daw nangyari 'yun? Hanggang ngayon hindi ka parin nag-e-explain."

Mahina siyang tumawa at niyakap ako mula sa likod. It's been 4 years now, and we're still together. Nag-aaway kami, pero madalas na siya ang naglalambing. Hindi ako sanay noong una pero unti-unti ay natuto narin akong hanap-hanapin iyon. Juklang kaya 'yun. Ako iiwan niya? Duh~

Nagulat ako sa kaniya kung ba't bigla siyang nagtanong ng "Will you be my girlfriend" eh kakasabi ko lang na halos equivalent ng phrase na 'yon ang "Will you marry me," which means, hinding-hindi na siya makakawala sa mayabang pero sobrang ganda niyang future girlfriend and future wife.

Hindi ako dalagang filipina pero pwede din namang magpabebe ang mga mayayabang. Sinasadya ko minsang magalit at kahit alam niya ay nakikisakay lang din siya.

Matapos mahugasan ang kamay ko sa sink at malagyan ng toothpaste daw ay hinila niya ako at pinaupo sa gilid tsaka kinuha ang spatula at siya na ang nag-flip ng patty na pini-prito ko.

"Palagi ka nalang natatalsikan ng mantika kapag nagluluto ka. Kapag inasawa kita baka hindi na kita makilala," sabi niya at muling flinip ang patty saka tumabi sa'kin sa upuan.

"Palagi mo kasi akong ginugulat."

"Ikaw naman, hindi 'yung mantika pero 'yun lagi ang nauunang tumalon."

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

"'Yung ano?" Naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko.

Mahilig siyang dumikit-dikit sa'kin pero kahit kailan ay hindi siya lumagpas doon. I'm thankful.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now