Highschool 44

84 5 5
                                    


Blood

"Seeeeeeeeeer!" Maingay kong tawag sa teacher namin sa Science.

Ngayon naman, ang teacher namin sa Science ay mukhang, seahorse. Hindi na si Ms. Rion ang teacher namin dahil nag-iba iba sila ng scheds nung maging hectic ang last quarter. Dumami ang subjects ng senior, I mean, iyong oras. Tapos buong school ang nag adjust para sa kanila. Kulang ang teachers namin dahil mga baguhan pa at medyo choosy ang school director. Kaya pati teacher namin ay nag-adjust narin. Kawawang mga nilalang.

"Yes?" Nakangiting tanong niya so dagdag points. Pero hindi naman nakakapogi. Walang seahorse na pogi, maganda lang kulay.

"Uhmm, ser, kung 73% ng mundo ay tubig, bakit lagi kaming nauubusan ng supply ng tubig sa bahay?" Ngiting-ngiti kong tanong.

Tumawa mga kaklase ko pero ngumisi ng hilaw ang teacher namin. "Ms. Rion, 73% nga ang tubig, pero kaunting porsyento lang ang malinis. Kalahating porsyento ay galing sa tubig ulan, dagat, maduduming tubig, kanal, at kung saan-saan pa. Hindi sa lahat ng prosyento ng katubigan ng mundo ay ligtas," paliwanag ng gurong ngiting-ngiti pa.

"By the way, may quiz tayo mamaya ha?" Dugtong niya pa kaya nagtaas ulit ako ng kamay.

"Seeeeeer!"

Nakangiti parin siyang lumingon sa'kin. "Hmm?"

"Kung the rest is land, kasama na ba doon ang mga tagong isla like Atlantis? Nadiskubre na po bang totoong may tagong isla na nasa pagitan ng north pole and south pole? Ser! Pa'no po kung mayroon sa ilalim ng dagat? Kasama pa po ba 'yong sa ilalim ng dagat na land? Kasi land padin naman po 'yon 'di ba? Eh kung gawa po tayo sa lupa, bakit maputi ang mga kano? Totoo bang niluto tayo?" Dire-diretso kong tanong.

"Ms. Rion, pwedeng isa-isa lang? Sumasakit ang ulo ko sayo! Mag-quiz na tayo! Pinapahaba mo lang ang usapan eh."

"Uhhhhh!"

"Iiiiiih!!"

E,O, U? Aba matinde, kumpleto ang reklamo.

Dahil hindi kami magkatabi ni Dwayne ay nakuntento na ako kakatitig sa maganda kong mukha sa salamin.

Minsan pwedeng gawing panlaman tiyan si Dwayne, ulam eh. Kaya kahit titig palang nakakabusog na. Pero si Dwayne ang uri ng pandesal na hindi pwedeng kainin dahil masakit sa lalamunan. May sa demonyo kasi.

"Number 1!"

Sheteeee!

"Rylle!" Sigaw ko na naman habang naghahanap ng ballpen sa bag.

"Wala akong papel! Wala din akong ballpen!" Mabilis niyang sagot kaya inirapan ko siya.

"Pahiram nung nilalagay mo sa buhok, magulo na ang buhok ko eh," sabi ko at inaayos ang buhok ko. Nitry ko pang i-finger comb kaso sumasabit sa kamay ko kaya naisip ko nalang na bumitiw na. Ang hirap gawing swabe ang lahat kung palaging may sabit, tapos in the end nakakasakit lang kapag pinilit pa.

"Zen eto na papel! Eto na ballpen! Sayo na lahat! Ang tamad tamad mo! Ba't nag-aaral ka pa?!" Sabi ni Ara at kinuha ang salamin ko saka sinamaan ako ng tingin. "Lakas ng loob mong magsuklay ah, akala niya naman magmumukhang tao siya."

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now