Highschool 47

118 8 2
                                        


Beach

Nagpunta kaming Nabas noong Lunes sa Costa Leona para magbakasyon. Ang ganda pala talaga. As in.

Lol.

"Tiiiiiiiiin! Muntik ka na naming iwan! Ang bagal-bagal mo!" Reklamo ni Josit habang hila-hila ang maletang mas malaki pa yata sa kaniya.

Si Ara naman nakashorts, pero backpack at pillows lang ang dala. Si Pearl naman nakapants at red na shirt, pero may maleta din. Si Lovely, nakapants at running shoes tapos naka grey na shirt, tapos nakabackpack din. Nag-uusap silang tatlong unggoy sa gilid habang lumilingon-lingon sa'min ni Jossette. Ano na naman kayang pinag-uusapan ng mga 'to?

"Mga ungggs! Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ko sa kanila.

Nagsingitian naman sila sa'kin. Mga ganiyang ngiti iba 'yan eh. Baka plano ng mga itong itulak ako sa pool o lunurin ako sa dagat.

"Ganda ko kasi Tin," sabi ni Pearl. Si Rate ang unang nagreact bago ako tumawa.

"Share mo lang?"

Binato ako bigla ni Rate ng hawak niyang ballpen. Kahit kailan ay napakabrutal talaga. Pero ang nakakapagtaka, ba't siya ang bumato sa'kin?!

"Inaano ka?" Tanong ko sa kaniya at nag-peace sign siya.

"Tinawag mo 'kong unggoy."

"Eh kanina pa 'yun ah?!" Reklamo ko. Umiling si Jossette.

"Baka ngayon niya lang nagets."

Binatukan siya ni Rate.

Inirapan ko siya. "Alam mo Ara, may naisip ako biglang combination ng pangalan mo. Like, 'di ba pakilala mo Rate? May isa pa eh," napapaisip kong sabi. Gusto ko ng bago niyang nickname. Katamad magtawag ng Rate, kakasawa. Char.

"Ano na naman?"

"Aira Kate? Ang weird ng name mo 'di ba? Masyadong pambabae. Dapat Ara Kate nalang. Kaso pambabae parin. Pwede namang i-mix natin. Katulad nga nung Rate, tunog presyo at corruption. Sana all. Like, Ar-Kai? Oh 'di ba panlalaki. Parang Archive. Pwede ding, Ai-Kat, tunog sapatos, panlalaki din. Hahaha! Ay may isa pa--"

"Zen?" Madiin na sabi niya tapos ayun na naman 'yung creepy look niya. Minsan gusto ko nalang din maging singkit para may ganiyan din akong look. Fierce look ganun. Then akin 'yung sicund look.

"Meron pa sana eh. Ai-Te? Tunog trabaho. Arka, tunog barko. Ay alam ko na, Ar--Te! Ay nice 'yun, tunog ikaw."

Oops. Hindi ko na napigilan.

Bigla niyang inangat ang kamay niya at akmang mananapak na kaya agad akong lumapit sa likod ni Pearl at hinintay ang first wave ng galit ni Arakit. Wait lang, anong tunog naman 'yun? Tunog ibon. Tunog parakeet. Kasi minsan hindi siya maintindihan magsalita. Ayiieeh. Galing ko mag-isip. Kenekeleg eke.

"Girls? Sakay na kayo, aalis na," malumanay na sabi ni Ma'am Chix. San siya galing? Ba't ngayon ko lang siya nakita? Ganda niya naman.

Sinamaan ako ng tingin ni Arakit bago niya inangat ang hand bag na may lamang pillows at niyakap saka pamartsang naglakad paakyat ng inaamag, nilulumot at kinakalawang na yata naming school bus. So adorable.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now