Highschool 23

136 3 0
                                    

Highschool Disasters: Naku naku

Maaga na ulit akong pumasok kinabukasan. Hindi ako sumakay sa tryc nila Sherrie kasi... wala lang.

"Iwasan mo na si Jace"

Bakit naman kaya gusto niyang iwasan ko ang lalaking 'yon? Nasira utak niya? Nag-drugs ba siya? Nagsha-shabu din kaya siya?

"Good morning Tin" bati ni Jaime. Ang presidente ng classroom.

Kilala siyang humble, mabait, understanding, responsable at babaeng mahaba ang pasensya. Maingay siya minsan pero napagsasabihan naman.

"Morning" nangangamot ulo'ng sabi ko. Nahihiya ako e.

Pabagsak akong umupo sa upuan ko nang makapasok ako. Parang nadrain lahat ng energy ko dahil lang sa simpleng pag-gu-goodmorning ko kay Jaime. 'Nu ba 'yan. Umiiral na naman kagagahan ko.

d(-__-)b

"Aga natin ah!" Napatalon ako sa gulat dahil sa goodmorning greeting na 'yan ni Rate. 'Yan na naman kasi siya sa pasulpot-sulpot niya galing kung saan.

"Aga nga eh. Tapos 'yan mukha mo pa ang unang bibwesit sakin" pang-aasar ko

Tinulak niya ako sa upuan ko. "Grabe ka! Ang aga-aga ang sama ng ugali mo!" Sabi niya na parang nagtatampo at saka nag-pout. Pacute din ang isang 'to eh.

"Aga natin ah!" Biglang sabi naman ng kung sino

Paglingon naming pareho ni Rate, si Pearl lang pala. Ba't pare-pareho ang mga expression nila? Pinaghandaan?

"Eeh Pearl! Gaya-gaya ka ng sinasabi!" Si Rate habang nagmamaktol

Hinampas siya ni Pearl sa balikat. "Inaano na naman kita?!"

"Wala ah! Hindi ma-joke? Seryoso?!"

Saka sila tumawa ng sabay. Nababaliw? Walang magawa? Tsk. Bakit nga ba ako nagkaroon ng baliw na mga kaibigan?

"May quiz tayo?" Bungad naman ni Jossette matapos sumulpot galing din kung saan. Problema ng mga 'to, at sulpot ng sulpot?

"Meron ba?"

"Ewan ko! Kaya nga nagtatanong eh!" Matinis ang boses na sagot niya

'Makasigaw 'to ah. Malayo ako ganun?'

d(-__-)b

"Meron, sa Science" sabat naman ni Lovely. Hindi ko napansin, nandun na pala sa upuan niya at nagbabasa ng notes

"Anong oras 'yung Science?" Tanong ni Pearl

"Second subject" sagot ni Lovely

"Second subject na agad?! Pangalawang subject? Sure ka?" Si Jossette

"Ay hindi, pang-unang subject. SECOND nga diba? Pangalawa?! Hindi maintindihan ang English? Kailangang tagalugin Jossette?" Pamimilosopo ni Rate

Minsan ang sarap talagang pasakan ng lamesa itong bunganga ni Rate. Lakas mang-alaska eh. Ang tino sumagot.

"Grabeeeeee"

Bago pa ako mabagot sa walang katapusan nilang asaran, ay naglabas na ako ng notebook at nagreview. Mas gusto ko 'yung rush hour. Mas nasasaulo ko ng maayos ang lahat ng nababasa ko.

"Himalaaa! Kasalanan bang, humingi ako sa langit ng, isang himalaaaaa!" Biglang kanta ni Jossette kaya nagsipuntahan samin ang pansin ng karamihan.

d(-__-)b

Pahiya talaga ang isang 'to kahit kailan. Kita namang madaming tao ang nasa classroom kumanta pa. Okay lang sana kung maganda ang boses... kaso, sintunado na nga, ang tinis-tinis pa.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now