Highschool 4

361 11 7
                                    

Highschool Disasters: Math

Malas. Malas. Malas!!

Nakakahiya 'yung nangyari kahapon! Putek! Masasapak ko na talaga ang Demver na 'yooon!!

Eh pa'no ba naman kasi 'yung lalaking 'yon ako pala ang tinurong ng daw ni Dwayne. Tapos matapos kong manahimik dahil wala akong masabi, eh bigla naman siyang sumigaw ng

"Ang assuming mo Tin!! Hindi naman ikaw!"

Buseeeeet.

Pero kitang-kita ko nga kung paano niya biglang ipinasada ang kamay sa buhok niya ng mahuli ko siyang nakaturo sa'kin! Tapos 'yung tingin ni Dwayne!! Akala siguro niya may gusto talaga ako sa kaniya! Hindi pwede!!

"Ang epic ng mukha mo kahapon Tin! Pfft," asar ni Demver na inismiran ko lang. 'Di ko alam kung sinong espirito ang sumapi sa kaniya at nakipag-usap siya sa'kin. Tungunu siya! Pagdating na pagdating ko 'yon agad ang bumungad sa'kin.

"Crush mo si Dwayne 'no?" Dagdag niya pa kaya bumagsak ang panga ko.

Nahalata niya kaya? Pero imposible naman 'yun. Hindi ako nagbibigay ng motibo--- I mean... hindi ko naman crush si Dwayne ah!! Tsk!

"Manahimik ka Demver!" Inis kong sabi at nagmartsa paalis.

Dinig ko pa ang mapanuya niyang halakhak. May sapi na naman ang isang 'yon! Hindi ko alam kung ba't ako pa ang naisipan nong bwesitin e hindi naman kami close! Tsssk!!

"Tintin!!! Nalate ka?" Bungad sa'kin ni Shan.

Hindi ko alam kung saang banda ang hindi niya maintindihan at talagang gustong-gusto niya akong tawagin sa nickname na 'yon. Naiirita talaga ako kapag tinatawag ako sa ganung pangalan.

"Manahimik ka Shan, nananapak ako ng mga naglalakad na skeleton," sabi ko na inirapan niya. Hintay-hintayin lang nila na matuto akong umirap. Tsk!

Napangisi ako ng makita ko si Dwayne. Mahirap na, baka makahalata. Pero hindi ko talaga siya crush ah?!

"Tsk,"

Pagpasok ko sa room... maiingay parin sila. 'Di ko alam na isang buwan lang pala ang kailangan para paingayin sila. Pero nong unang araw parang laging may anghel na dumadaan kung manahimik. Parang mga asong nauulol.

Umupo ako sa usual seat ko. 'Yung katabi ni Shan. She nudged me.

"Tintin, anong sunod na subject?" Tanong niya

Napaismid ako sa nickname na ginamit niya pero hindi ko nalang pinansin. "Math."

Teka... Math?! Shet!

Pumasok ang math teacher namin. Si Ma'am Glacy Ciprian. Natatarayan din ako sa kaniya, dala na siguro ng pagiging shunga-shunga ko sa Math.

Medyo naiinis ako dahil nahihirapan ako sa MATH. Ang subject na kinaiinisan ng buong lahi namin. Hindi ko alam kung inherited ba iyon o dumadaloy na talaga iyon sa genes ng buong angkan namin. Sa totoo lang, bata pa lang ako, mayroon na akong hindi maipaliwanag na kadahilanang, ayaw na ayaw ko sa math. Hindi ko nga alam kung nagkaaway lang ba talaga kami ng Math nung daycare ako kaya hanggang sa paglaki ko ay hater ako ng subject na 'yon. Pa'no ba naman, sa sobrang inis ko 'nung kinder ako, kasi nga paulit-ulit akong tinatanong ng mga tao sa paligid ko ng "Hoy nene! Sige nga, kung magaling ka sa Math, 1+1?" Kapag sinagot ko ng 2 tatawa sila. "Mali! Eleven 'yun eh!"

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now