Highschool 34

105 4 0
                                        

Higshchool Disasters 34: GC

GC. Mas madalas magpahiwatig ng dalawang salitang, Group Chat. Marami ang nasisira ng dahil diyan. Pero marami din naman ang nagiging masaya sa huli. Kasi pakiramdam nila, may kasama sila. Masaya tuwing may kadamay, masaya tuwing pakiramdam mo, may kasalo ka. Na may nakakaintindi sayo at pakiramdam mong kabilang ka sa kanila.

Pero iba samin... ng dahil diyan, marami na ang umiyak, ang nasaktan, ang nasira at nawalan ng tiwala... pero marami din naman ang nakakatagpo ng bagong kaibigan.

Isa na doon... si Shemz.

Hapon na, habang nasa trycicle kami ay nagkwento si Shemz sa'min ng isang hindi ko inaasahang pangyayari.

"Alam niyo na ba 'yung tungkol sa GC nina Claudine?" Tanong ni Shem

Agad na napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano na namanng isyu 'yan?

"Ahhh, 'yung dun sa The Watchers ba?"

Muwiset. May 'di na naman ba ako alam?

"Bakit? Anong meron?" Hay... mabuti naman naitanong mo 'yan Ri.

"Kasi 'yung sila Claudine gumawa ng GC---"

"At binabash nila ako. Alam mo 'yun? 'Yung dating akala mo kaibigan mo... may kulo din palang tinatago?" Putol ni Shemz sa paliwanag ni Sherrie

"Dahil, 'yung si Claud ay nagseselos daw kay Maze. Magkasama kasi silang--"

"Umalis kasi kami non at bumili ng libro dahil... bla, bla, bla"

Ito talagang ayaw ko sa kaniya eh. 'Yung sali siya ng sali sa usapan pero paulit-ulit din naman ang sinasabi. Kung minsan, ang dami niya pang pakulo kapag nagke-kwento. 'Yung hindi pa siya tapos magsalita pero tatawa na siya. 'Yung iba, walang sense, basta lang may masabi. Hahahaha pareho kami eh.

"Manahimik ka nga muna! Kaya wala akong maintindihan eh!" Pabiro ngunit nakasimangot kong sabi

Ang pinaka-ayaw ko lang kasi sa lahat ay 'yung salita ng salita pero walang kwenta din ang sasabihin. Oo, inulit ko din 'yung sinabi ko. Gusto ko lang itatak sa ulo ng mga nagsasalita. Pero kapag ako nagsalita parang wala silang pake. Ngayon, sila din naman.

"'Yon na nga, nagkakaselosan. Nakita ko kasi 'yung GC nina Chen. Pinasok ko 'yung account ni Claud. Pinaparinggan nila itong isa. Kesyo malandi daw at sama ng sama don sa mga lalaki. Kesyo papansin daw at inaagaw ang mga 'yon sa kanila"

Napatango ako. This past few days, napapansin ko na din 'yon. Natural din namang maging close ang isang babae sa mga boys. Siguro inggit lang talaga ang nangyayari. Kasi masyadong magaling mag-alaga ang mga lalaki. 'Pag may care sila sa isang babae as in buhos na buhos. Parang special sa lahat. Si Shem 'yon kaya siguro naiinggit 'yung sila Claud.

Pero naiintindihan ko din naman na mali ang pag-usapan ang isang tao habang nakatalikod siya. Okay lang sana kung maganda ang sasabihin, pero kung hindi naman manahimik nalang. Sino-sino kaya 'yun?

"Sino ang mga miyembro?"

Ang galing talagang magtanong nitong si Riri!

"Si Claudine, Jaime, Ren-Ren, Chen at Samantha"

Wow! Galing! Pati ba naman si Sam? Crush ko pa naman sana 'yon.

d(>___<')b

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now