Highschool 41

90 5 1
                                        

Highschool Disasters: Party Breaker Part II

Halos matulala ako sa lalaking sumalo sa'kin.

Nakangisi parin siya kaya agad na akong umayos ng tayo. Medyo sumakit ang paa ko pero maayos naman. Hindi naman ganun kasakit.

Sabi ko na nga ba, masamang pangitain ang makakita at makasuot ng ganitong heels.

d(>__<)b

"You knew me" komento niya habang nakangisi parin.

Agad na lumapit sa'kin si Yen. Sa dami ng taong nagsasayawan ay halos yung mga nasa gitna lang ang nakapansin. Phew. Buti naman. Nakakahiya.

Yung parang teleserye pero sobrang tanga ng bida. Shet.

"P-pinakilala ka ng kaibigan ko k-kanina. A-at s-s-s-sala--mat." Uutal-utal kong sabi. Nag init ang mukha ko, hindi ko alam kung bakit.

"Zen, I'm sorry" - Yen.

Nilingon ko ang nakababatang kapatid. Matalim ang titig niya sa amin ni Yen at sa kuya niya.

"Tch."

Saka siya lumingon na naman sa'kin. Halos nagulat ako ng makita kong nag iba ang ekpresyon ng mga mata niya.

Nag-aalala ang mga mata niya. Nag aalala siya sa'kin.

Bakit parang naabot ko na ang mga ulap?

Shet Zen inaano ka? Nagda drugs ka ba?

Pero shet talaga. Nakalimutan ko yatang huminga.

"Zen Rion"

Napalingon ako sa nakatatandang kapatid at halos makahinga ako ng maluwag.

Shet. Ba't pa kasi ako may sakit sa eye to eye.

"B-b-bakit?"

Shet Zen nakakahiya ka! Ba't ka utal utal?

d(>__<)b

"You're Zen Rion right?" Si Raehance Martin ang nagtanong. Shet. Ba't kinakausap ako neto?

"A-ako nga"

"Right! I remember your face." Bigla siyang lumingon sa nakababatang kapatid. Nakangisi na naman siya. Habang ang kapatid niya ay masama ang tingin sa kaniya.

Parang nag wa-warning. 'Yung 'sige-magsalita-ka-pa-at-ililibing-kita-ng-buhay' look.

"You're prettier in person" nakangiting aniya. Nag init na naman ang mukha ko. Ba't ba?! Anong nangyayari sa'kin?!

At pa'no ako nakilala ng taong 'to?! I swear! Never pa kaming nagkita! Kahit sa panaginip ko ay hindi ko pa siya nakikita!

Bigla siyang tumawa at nilagay ang hintuturo sa chin niya. Medyo tumingala pa siya ng parang nag iisip. "I remembered your face. You were in a picture frame at my brother's roo--"

"Kill" biglang tawag Dwayne na nakapagpatigil kay Raehance.

"Pfft. Fine fine." Tatawa tawang sabi ng nakatatandang kapatid at nag wave pa.

Ano daw? Picture frame? Anong ginagawa ko sa picture frame?

Medyo nagtataka naman akong tumingin sa kaniya.

Tumawa siya at naglahad ng kamay. Agad akong nakarinig ng protesta sa magkabilang gilid ko. Sa nakababatang kapatid at sa kaibigan. (Dwayne at Yen)

"What?" Tanong ni Raehance sa kanilang dalawa at ngumisi naman sa'kin. "Can I have this dance?"

Biglang nagpalit ng slow ang music. Shet.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now