Hisghchool Disasters 40: Party Breaker Part I
"Jaceyhanz may not be here though."
Napatingin ako sa seryosong mukha ni Ven na direktang nakatingin sa nobyong kausap ng isa pang Martin.
"Bakit? Hindi ba siya mahilig pumunta sa mga ganitong party?" Tanong ko kahit ayaw ko naman talaga siyang makita.
Hindi na siguro dapat ako magulat kung dumadalo nga siya sa mga ganitong uri ng celebrasyon. Mukhang ilag nga sa tao 'yun eh. Maliban sa barkada ay wala na iyong kinakausap na iba. Siguro, exception 'yung Kristien at a-ako?
The fudge. Ano na naman 'tong iniisip ko?!
"Well, dipende sa kaniya. You know, if you're the black sheep of your family, he's the white sheep naman in his family. I mean, no offense, darling."
Sinamaan ko siya ng tingin. Kung makapanglait naman 'to, garapalan.
"So anong ibig sabihin non?"
"He's more like studies over recreation. He's not usually on parties but sometimes he goes, instead of his family if they're not available. You know, Raehance is the black sheep."
Napatingin din ako sa Raehance. Tumatawa siya. "Mas matandang kapatid ba siya?"
"Yup. Siya sana dapat ang mamamahala sa Pharmaceuticals nila, kung hindi lang sana mahilig makipag basag ulo."
"Eh di... magkakasundo pala kami niyan?" Sumimangot si Ven. "Pharmaceuticals? Doctor ba ang pamilya nila?"
Pero hindi na ako sinagot ni Ven dahil biglang napahawak siya sa'kin dahil napalingon sa'min ang lalaking kanina pa namin chinichismis. Nagtagal ang tingin niya kay Ven hanggang sa lumipat sa'kin.
Nagulat ako... pero dahil sa sakit ko ay hindi ako nag-iwas ng tingin. Gusto ko siyang ngitian pero parang too late na kasi napatagal na eh.
Ngumisi siya at bumaling muli kay Davis saka sila nag-usap. Nakita ko pa ang paglingon ni Davis sa banda namin at tinitigan ako ng masama pati narin si Ven. Wengya, parang lagi nalang akong mag kasalanang ginawa kung makatingin ang lalaking 'yun.
"Okay. Pwede mo na akong bitawan Ven."
Sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa'kin ay halos bumakat ang mga kamay niya sa braso ko. Wengya masakit ah.
"He looked at me, Zen." Parang mahihimatay niyang sabi at hinawakan na naman ng mahigpit ang braso ko. Parang walang boyprend ang loka.
Tahimik akong nanalangin na sana magkaroon ng sapat na katatagan at tapang ang mga buto kong hindi mabali... para sa future.
Pagpalain sana kayo nakuu.
d(>>__<<)b
"Tingin lang naman. 'Di ka naman nilapitan. 'Di ka manlang kinausap. Uhh~ so sad." Pang aasar ko. Muntik na niya akong sabunutan kung hindi lang sana nakaayos ang buhok ko at nanghihinayang siya.
Kaya kinurot niya nalang ako.
d(-___-)b
Haaays. Walang katapusang pahirap.
"You're so extra, Zen."
"Darling..." pagtawag ko sa kaniya (katulad ng kung pa'no niya ako tawagin) at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "May boyprend ka na. Ako 'yung aasawahin ni Raehance at hindi ikaw kasi ako single, ikaw taken ka na. Uhh~ so xad." Pang aasar ko pa na ginantihan niya ng malakas na tampal sa braso. Naalog ang bones, blood, bone marrows at blood vessels ko dun pero okay lang. At least may bonus na asar.
