Highschool 8

188 10 0
                                        

Highschool Disasters: O edi wow?

"Hoy Ven! San mo naman naimbento mga pangalang 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya at saka kami pumwesto sa isang table sa canteen.

"Oo nga naman Victoria. Sa pagkakatanda ko Gideon Dwayne lang naman ang pangalan niya," singit naman ni Jossette habang nakalagay ang hintuturo niya sa may baba niya.

"Hmmm? Kilala niyo siya? May pinapasabi kasi ang dati nating principal sa kaniya... kanina ko pa nga hinahanap eh," inosenteng tanong naman niya habang nakatingin sa'kin.

Aba! Wengya! Kanina pa sila nag-uusap e! Ba't ba 'di neto sinabi agad!

"Eh siya 'yung tumulong sa'yo kanina eh!" Pasigaw kong sabi sa kaniya.

d(0____0)b

"Eh? Ba't 'di mo sinabe agad?!" Gulat niya namang tanong!

"'Ba! Pa'no ko naman malalaman? Nababasa ko ba lahat ng takbo ng isip mong 'yan?! Ha?!"

"Eh ba't ka ba sumisigaw?! Tinatanong lang naman kita ah?!" Sigaw niya rin pabalik!

"Eh hindi ako mahinahon eh! Sumisigaw ka nga rin naman!"

"Oy! Oy! Oy!! Bakit ba kayo nagsisigawan eh ang lapit-lapit niyo lang? 'Wag nga kayong nag-iingay dito!" Singit ng kung sino.

Paglingon ko... 'yung morenong ang presko lang pala. Sino nga ulit 'to? Close ba kami nito?

d(O♢O)b

"Oh Brent! Nandito ka pala... kanina ka pa diyan?" Tanong ni Ven habang nakatingin dun sa Brent daw.

Maang akong tumingin sa kaniya. "Kilala mo siya? Kailan pa?"

"Huh? Duhh! 'Nu ka ba naman Zen! Nasobrahan ka na naman siguro niyang pagiging introvert mong 'yan at wala ka na namang alam sa mundo mo!" Mahabang sabi ni Ven.

Huh?

"So what's your point?!"

"Duhh~ na sa second section ako nag-enroll! Engot mo talaga! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko dito sa school ha?!"

"Aba malay ko ba sa mga trip mo sa buhay! Pucha ka! Tumigil ka nga sa kasisigaw!" Irita ko ding sagot sa kaniya!

"Hoy! Hoy! Ayan na naman kayo! Palalabasin na talaga kayo dito kapag nagsige kayo sa sigawan niyo!" Extra ulit nung Brent.

"Tsk!" Paismid akong nag-iwas ng tingin.

"Tin oh... chocolate"

Napalingon agad ako ng magsalita 'yung Brent. May hawak siyang Ferrero Rochet sa kaliwang kamay niya habang inaabot 'yon sa'ken. Hindi ko magawang abutin 'yon dahil pinangungunahan ako ng pride. *pout*

Ang hirap talagang magkaroon ng pride na mas mataas pa sa Mt. Everest.

d(-3-)b

Dahil hindi ko tinatanggap ang inaabot niya at mukhang nakakahalata na siya ay kinuha niya nalang ang kamay ko at nilagay 'yung chocolate.

"Ubusin mo ah? Medyo mahal 'yan," nakangiti niyang sabi

Kumabog ng malakas ang puso ko... hindi dahil kinikilig ako... kundi dahil nakita ko si Maze... ang kaklase ko sa malayo habang nakatingin sa'kin. Malungkot ang mata niya at bahagyang nakapasok ang kamay niya sa bulsa niya.

Gwapo parin talaga siya kahit mukha siyang inosente. Ehehehe.

d(^__^)b

"Tin? Tin ano na?"

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now