Highschool Disasters: Lucas Part I
Kinabukasan ay pumasok ulit ako. Wala naman akong pakielam kung after one week nanapak na ako. Sa totoo lang, matagal ko na talagang gustong gawin 'yon. Naghahanap lang ako ng tyempo at panahon.
Mabuti nalang at napanatili ng section namin ang nangyari bilang sekreto. Mabuti nalang malawak ang pag-iisip nila. At least, hindi na ako maga-guidance. Kung tutuusin masyado lang talaga silang concerned sa kaso ni Mel kaya nila ginawa 'yon. Tutal, magkaibigan naman sila.
'Yung bunging 'yon, buwiset eh.
Sa loob ng silid ay halos hindi kami nag-uusap ng mga lalaki. Paminsan-minsan, nagka-kamustahan naman kami ni Maze. Hindi narin naman ako awkward sa kaniya.
Sa katunayan masarap pa nga siyang kasama.
d(^__^)b
Minsan nahuhuli kong nakatingin sakin si John Paul. Pero madalas, si Jordan. Masama kung tumingin at parang konti nalang ay me-murderin na ako. Mas okay na nga 'yan... at least tahimik ang buhay ko. Walang manggugulo sakin kapag galit sila. 'Yun naman talaga ang nature ng tao e, kapag galit sila... o ayaw nila sa taong 'yon, iniiwasan nila.
At inaamin ko, ganun din ako.
Hapon na... pero hindi ko talaga inaasahang pati iba kong kaklase ay iniwasan din ako. Si Shem naman doon sumama kila Sophia. Isang kaklase kong kaibigan niya. Ganun naman kasi lagi, kapag nasa tryc kami, parang magkaibigan pa kami. Pero 'pag sa school na, kaniya-kaniyang buhay na kami. Pero balik tayo, madalas ko kasing mapansin ang kakaibang takbo ng pagsasama nila. I mean, si Mel at Sophia. Parang may something.
Ang kaso, wala akong pake.
d(-___-)b
"Hindi ko alam na basagulera pala 'yan"
"Oo nga, hindi naman siya inaano ni Mel, ginanun niya"
"Hindi halatang valedictorian"
Tsk. Buwiset. Akala ko pa naman malawak ang pag-iisip nila. Nagbago isip ko. Hindi pala.
"Zeen!!!"
Lumingon ako sa tumawag sa napakaganda kong pangalan. Si Ven pala. Naaalala niyo pa ba siya? "Bakit?"
"'La lang. Napansin ko lang kasing napag-uusapan ka madalas. Famous ka na pala? Ako ang nabubwiset kapag nakikinig ako eh. Okay ka lang?"
d(-__-)b
Umirap ako sa hangin. Masyado kasi akong anti-social kaya hindi na ako nagpapaapekto. Siguro pang-ilang beses ko nang nasabi 'yon. Antisocial ako at hindi na bago 'yon. At saka nakakabwiset din naman kasi minsan, tuwing lalaban ako at makikisali. Tss. Wala namang mangyayaring kakaiba doon eh.
"Wala lang sakin 'yun. Hindi naman magtatagal 'yan eh"
"Sana nga 'no?"
"Hmm" tumango ako. "Alam mo naman, walang poreber. Lahat ng bagay natatapos din. Hindi man ngayon, baka bukas. O baka naman mamaya, hindi ko masasabi. Hindi naman ako ang tadhana."
"Aysus! Daming alam ni ateng. Sigurado kang ayos ka lang ha? Kahit naman magaling kang manapak at mambugbog babae ka parin. Tao ka parin. Baka mamaya umiyak-iyak ka mag-isa" nakangiting sabi niya.
"Hindi--"
"Pero 'wag kang mag-alala, nandito naman ako eh. Kahit kalimutan ka ng mundo, at ituring kang parang salot ng lipunan... o kahit makaramdam ka lang na binalewala ka... at patuloy na binabalewala, nandito naman ako. Nandito lang ako palagi" nakangiting putol niya sa sasabihin ko sana.
