Highschool Disasters: Cheese
Tangene disss! "Aaaaah!! Ang sakeet! Tama na!!" Sigaw ko
"Tumahimik ka nga! Ang arte-arte mo! Mamaya kung anong isipin nilang ginagawa mo! Natin!"
"Waaah! Ayoko naaaa! Masakit nga! Ano bang problema mo?! Dahan-dahanin mo naman! At saka, may ginagawa talaga tayo! Bwiset ka!" Sigaw ko ulit
Bushet naman kasi ang lalaking 'to!
Ba't 'di niya dahan-dahanin at masakit nga!
d(T♧T)b
"Stop cussing! Babaliin ko talaga 'tong paa mo kapag 'di ka tumigil!" Pagbabanta niya kaya tinikom ko ang bibig ko
"Hmmmmm!!" Pasigaw kong ungol.
Pfft! Sarap asarin ang lalaking 'to!
\d(^__^)b/
"Ano ba?! Manahimik ka nga!"
"Eh ikaw kaya dito sa lugar ko! Taragis ka!" Pagmumura ko ulit
Gandang-ganda sa pangbibwiset sa'kin.
E hindi nga talaga ako matitigil sa pagmumura! Lalo na't masakeeeeet!
"Tsk! Napaka bungangera mo talaga!"
Irita akong sumimangot. Pero napindot niya ulit 'yung ankle ko kaya napasigaw na naman ako.
Bwiseeeeet!!
"Tsk! Bahala ka nga diyan!" Sabi niya at naglakad na palabas.
d(O○O)b
"Hooooy! Bwiset ka!!!! Iiwan mo ko dito?!"
Pero hindi na talaga siya lumilingon.
'Sarap tusukin ng chopping knife! Grrrr!! Nakakairita ang lalaking 'yon!'
Talaga naman!!!
At dahil wala akong magawa ay natulog nalang ako. Ba't ba ganito lagi ang ending ng mga walang maisip isulat na author? Tsk!
ZzzzzzzzzZ
NAALIMPUNGATAN ako sa amoy ng isang kasuka-kasukang bagay... o pagkain? Pagmulat ko ng mata, tumambad sa akin ang isang kulay yellow na bagay na mukhang slimy at... eeeeew! Cheeese!
"Waaaah! Sinong p*nyeta ang naglagay ng bagay na 'to sa harapan ko?!"
Iiiiih!! Kadiri to the max!
"Sinabi nang tumigil ka kakamura! Nilagay ko lang naman diyan! Hindi ko naman ipapakain sa'yo! Arte arte!" Sabi niya at pumasok sa clinic. Narinig siguro ang ingay ko.
"Eh nasusuka ako eh! Ilayo mo nga sa'kin 'yan!"
Dahan-dahan namang nanlaki ang mata niya. "B-buntis ka ba!?"
Shunga dizzz! Nakakairita!
"Ay ewan ko sa'yo! Kausapin mo puwet ko!" Irita kong sigaw sa kaniya at tumagilid sa higaan ko
"Hoy babae! Ayos-ayusin mo ang pananalita mo ah! Hindi magandang pakinggan!"
Ano ba problema neto sa'keeen?!
