Highschool 36

114 6 0
                                    

Highschool Disasters 36:
Old Man

Tinitigan ko siya ng matagal at nanatiling tahimik.

"M-marunong ako."

Ba't ako nauutal?!

"Talaga? Ba't mo kinokopya?" Tanong niya habang nakangisi. Tsk.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit?! Anong pake'lam mo?! Hayaan mo nga ako dito!" Pairap kong sabi at binuksan muli ang dalawang notebook at inumpisahang mangopya ulit.

Ano naman nga bang pakielam ko kung makikita niya akong nangongopya? Ano naman kung matu-turn off siya?! Ano naman?! Ba't ko tinago?! Ha!!

"Hindi mo naman iyan maiintindihan kung kokopyahin mo lang eh. Turuan nalang kita," malumanay na ngayong sabi niya. Tinitigan ko ang mga mata niya pero wala akong ibang nakita kundi 'yung normal na tingin lang.

Ba't sa wattpad dinedescribe ng bida 'yung emosyong laman ng mga lalaki nila sa mga mata ng mga ito. Pero kung titingnan, wala naman akong ibang nakikita kundi mga matang may black brown na bilog sa gitna na may isa pang bilog na itim tapos pinalilibutan ng puti. 'Yun lang.

"Ayoko!"

Pilitin mo muna ako! Hahaha!

"Ang arte, tinutulungan na nga!" Kunot noong aniya.

So... anong pinaglalaban mo? Ba't nagagalit ka?

"O eh ba't ka galit?! Pinipilit ka?!" Pagbubunganga ko ulit.

"Ba't ang suplada mo kapag ako?! Tapos kapag sila Jam naman nakikipag-usap sayo nakangiti ka! 'Pag ako tinatarayan mo 'ko!" Parang nagmamaktol niyang sabi habang nakasalubong ang nga kilay. Umiigting ang panga niya at lumalabas ang ugat niya sa sentido. Natahimik ako ng bahagya pero napangisi din kalaunan.

Ngayon ko lang napansin pero halatang prominent ang panga ng lalaking 'to. Medyo makapal ang kilay, natural tanned skin, deep eyes, pointed nose, cool lips. Tsk tsk, illegal. Kita ko rin ang maliit na nunal niya sa ilalim ng mata sa bandang... kanan? Oo tama kanan yon pareho ng sa'kin.

Kinalma ko ang aking sarili. Masyado siyang malapit kaya napansin ko lahat ng iyon. Matangkad din siya pero hanggang tenga niya na ako. 'Di ko alam pero feeling ko tatangkad pa siya. Medyo malapad ang balikat pero mukhang wala naman siyang abs dahil normal lang ang katawan niya. Saktong katawan para sa normal na teenager. Hindi mabuto pero hindi din malaman. Sakto lang talaga.

"Sige turuan mo 'ko," lalmado kong sagot at umayos ng upo. Hindi ako ngumiti pero pinanatili kong malambot ang titig.

Ngumisi naman siya at hinila ang kaharap kong silya papunta sa tabi ko ng malapit na malapit at saka umupo doon.

"Saan banda ang hindi ka marunong?" Tanong niya nang hindi manlang lumilingon.

"Lahat," pangisi kong sabi na inirapan niya. Bakla! Balur!

"Pa'nong lahat? 'Di ka nakinig 'no?"

"Luh, nakinig kaya ako." Ngingiti-ngiti kong sabi at nag iwas ng tingin.

HINDEEEE!!! KAYA NGA AKO NAGPAPATURO EH! KAYA NGA AKO NANGONGOPYA!

"Hmmm... okay sige. Kunwari naniniwala ako sayo," nakangisi niyang sabi at kinuha ang ballpen ko.

Pinilas niya ang isang pahina ng notebook ko at ginawa iyong scratch paper na pagsusulatan niya ng solutions at isang example ng equation.

Nagtaka ako kung saan niya kinuha 'yung example. Sa pagkunot ng noo ko ay tinitigan ko siya ng matagal. Napansin niya siguro iyon kaya bumaling siya sa'kin.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now