Highschool 11

144 5 0
                                    


Highschool Disasters: Tears

Friday

Hindi na maganda ang pakiramdam ko umaga palang, araw ng biyernes. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa sipon o kung dahil 'yon sa kinain ko kagabi. Hindi ko nalang pinahalata, 'pag nilalagnat kasi ako, malakas parin ako. Hindi ako nag-iinarteng umiiyak-iyak kapag nilalagnat. Maliban nalang kapag tinatamad ako sa klase, mag-iinarte talaga ako para pauwiin nalang. Hehe.

Wala pa ako sa tamang wisyo buong araw at lutang na lutang ako. Katatapos lang ng monthsary namin at balik na naman kami ni Brent sa dating setup. Kapag sa school kasi, mas madalas na siyang naglalaro ng basketball. One time, ako pa ang tinanong niya kung anong number ang ilalagay niya sa jersey niya. Sabi ko... 11. Tutal naman 'yun ang number ng preskong si Rukawa na nagkataong crush ko rin.

Saka ko lang din nalaman, nagkataon pang sabay ang birthday naming dalawa.

Afternoon...

Pag-uwi ko galing school, dumiretso agad ako sa room ko at naghubad ng damit. Bra na nga lang natira sakin pero dahil ako lang naman mag-isa sa kwarto ay wala akong poproblemahin. May skirt pa naman ako eh. When my skin behind my skirt vibrated shortly... an evidence that a message has arrived.

I opened my phone and read the message.

From: Brent <3
Break na tayo Tin. Hindi ko na kaya ang pangloloko mo sakin. Kung maghawakan kayo ng kamay parang wala kang nobyo ah? T*ngina lang na hindi ko maintindihan kung bakit mo 'ko niloko. Tapos dikitan pa ng ulo? Pakyu.

To: Brent <3
Okay. Pero hindi ko din maintindihan ang sinasabi mo. Ano bang problema?

From: Brent <3
Hindi mo alam?! Nakita ko! Nakita ng dalawang mata ko kung pa'no mo ako pagtaksilan! At 'wag na 'wag mong ikaila pa 'yon dahil hindi magsisiningaling sakin ang mga mata ko!

Umupo muna ako sa kama ko bago paulit-ulit na binasa ang huling mensahe niya. Pero ang hindi ko maintindihan, ay kung bakit wala akong maramdaman. Ayon sa mga nababasa ko sa wattpad, karamihan sa mga nangyayaring ganito... umiiyak ang babae dahil nasaktan siya ng husto. 'Yung pakiramdam na wala kang maintindihan sa sinasabi niya pero nakipaghiwalay siya sayo. 'Yung pakiramdam na wala kang alam sa mga nangyayari at mas lalong 'yung inosente ka sa dahilan niya.

Ipinagsawalang-bahala ko lang ang bagay na 'yon at nagsuot ng damit. Hindi parin maayos ang pakiramdam ko at parang lalagnatin pa ako.

At hindi nga ako nagkamali.

"Dristine! Ano bang pinaggagagawa mo sa sarili mo! Inaapoy ka ng lagnat!" Sigaw ni Mama pero halata ang labis na pag-aalala sa mukha niya.

Pakiramdam ko, naging napakamature na ng utak ko. Kasi dati, kapag ganiyan si Mama... masaya ako. Kasi alam ko, at nararamdaman kong mahal ako ng nanay ko. Pero ngayon, pakiramdam ko pabigat lang ako. Marami na ang ginagawa ni Mama para sakin. Maaga siyang gumigising sa umaga para ipagluto kaming limang magkakapatid at araw-araw din siyang naglalaba ng mga damit namin. Ayaw ko nang pahirapan siya pero hindi ko naman magawang bumangon para gamutin ang sarili ko.

Pinunasan ako ni Mama ng bimpo at pinainom ng gamot bago siya umalis sa kwarto ko para magsaing sa kusina... ng pagkain para sa hapunan.

Lumipas ang halos 4 na oras ay ni hindi manlang bumaba ang lagnat ko. Pakiramdam ko na nga ay namamanhid na ang katawan ko sa sobrang lamig. Maraming patong-patong na kumot na ang nakataklob sakin pero pakiramdam ko malamig parin. Halos maiyak din ako dahil ang sakit-sakit ng ulo ko na parang binibiyak sa tatlo.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now