Highschool 17

187 5 0
                                    

Highschool Disasters: Lucas Part II

"Zeeeeen!! Yuhoo! Hello to earth!" Sigaw ni Rate sa harap ko

Basta talaga pambubulabog, ang expert niya. Ano ba kasing problema ng babaeng ito?

"Bakit ba?! Kita mo namang may iniisip pa ako eh"

"Iniisip o inaalala?"

"Manahimik ka nga! Ayaw kitang kausap! Layas! Shooo!" Pagtataboy ko sa kaniya at umayos ng upo.

"Grabe siya. Parang walang pinagsamahan ah" sabi niya at umalis na

Hmm. Mabuti naman.

"Zen"

"Dwayne"

Mukhang ang haba na ng panahong hindi kami nag-uusap ah.

"M-may ano, may..." nag-iwas siya ng tingin.

Waah! Ang cute!

d(♡_♡)b

"Anong ano?" Tanong ko din.

"Ano kasi... 'yung sa b-babae. 'Yung ano 'yon eh..."

"Ano ba?! Ano ba kasi 'yun?!" Irita ko ng sabi... nu ba naman 'yan

"'Yung sa babae nga, 'yung sinusuot nila kapag may p-pulang dagat"

Pulang dagat? Ang dami naman nitong pakulo. Ano nga ba ang ibig sabihin niya? Pulang dagat? Ahah! "Ahh, napkin ba?!"

Dali-dali siyang lumapit sakin at tinakpan ang bibig ko. "Ano ba?! Ang ingay mo eh!" Parang nahihiya niyang bulong

"Oh? Jeongmal" (Translation: Oh really) so tama nga ako. Pfft. Pulang dagat? HAHAHAHAHA!

"Anong sabi mo? Journal? Anong journal? Hindi ako nagjo-journal"

"Pfft" kamuntik ko na siya bugahan ng laway dahil sa tanong niya.

Joke ba 'to?! BWAHAHAHA! XD

Infairness, natawa ako sa joke niya.

"Ano ba?! Anong nakakatawa?!"

"*ehem* pfft. *ehem*  S-sorry, akala ko kasi, n-nagjo-joke ka. Pfft" nakangisi kong sabi dahil nagpipigil na naman ako ng tawa.

"Hindi ah--"

"T-teka lang... bwahahaha! Hahaha.. j-journal? Hahaha" bahagya akong tumalikod sa kaniya at tumawa na muna. Sorry, hindi ako nakapagpigil eh.

Nang mahimasmasan ako ay tumingin ako ulit ako sa kaniya. "Ohhh?? Lumalapit-lapit ka na sakin ngayon kasi may kailangan ka? Kilala mo lang ako kapag kailangan mo ako ganun?"

"Aiish. Zen 'wag ka ng umarte--"

"Wait, wait. Don't call me Zen. Hindi tayo close. Dristine is good"

"Teka wait. Bakit nga pala kailangan mo ng nap-- hmmm!!"

Tinakpan niya na naman ang bibig ko. "Hinaan mo!"

"Oo na! Bakit mo nga kasi kailangan?" Bahagyang nanlaki ang mata ko. "Woah?! Andwae. Bakla ka ba?!"

"Teka--"

Tumango-tango ako. "Hmm... sayang, gwapo ka pa naman sana. Kung sabagay, wala na akong magagawa kung kasama ka na rin sa federasyon. Hindi na bago 'yon. 'Di bale... tanggap naman kita" sabi ko at tinapik-tapik siya sa baljikat saka tinango-tanguan.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now