Highschool 24

122 4 2
                                    


Kapatid

Mabilis akong bumaba ng hagdanan at tumakbo papuntang hallway pero dahil sa sobrang taranta ko ay nasabit ang paa ko sa rail na nakatabon sa medyo drainage ng school na nasa gitna ng hallway. Doon pumasok sa isip ko, ang kahihiyan ko last year.

Flashback

Dahil nga sa masyado akong bulakbol, na alam kong alam na alam niyo na dahil ilang beses ko nang nasabi... ginagawa ko rin ang pagtaas-taas ng paa para matisod ang iba. 'Yung katulad ng ginawa ko kay Brent? Hahaha.

Pero hindi ko lubos maimagine na babalik sakin ang nangyari.

Imborn na nga siguro sa'kin ang pagiging bully... pero likas din sa'kin ang katangahan. Sa lahat ng taong nakilala ko, ako na siguro ang pinakatanga.

Naglalakad ako nin sa pagitan ng upuan ng mga lalaking nasa pinakalikod na row at sa pangalawa sa huli. (Kung 'di niyo magets bahala kayo ^_^). Eh 'yun nga.

Normal ang paraan ko ng paglalakad. At walang ano-ano'y tinaas ni Jordan ang paa niya kaya nasabit ang paa ko at paupo akong nadapa.

"Aw!" Mahina kong daing na tawa lang ang isinukli nila at ng barkada niya.

Siguro dahil sa paniniwala kong ang lupa ay simbolo ng pagpapakumbaba... pakiramdam ko naapakan ang dangal at pride ko. Wala lang... siguro normal lang na makaramdam non. 'Yung tipong ganito ang sakit na nararamdaman mo pero tumatawa lang sila. Tinatawanan ka lang nila.

Napapikit lang ako non ng matagal. Dalawa lang naman ang dahilan non. Una, medyo masakit sa balakang, pangalawa, nagtitimpi ako ng inis, galit at kahihiyan. Halo-halo na ang nararamdaman ko. Pero wala lang... feel ko lang pumikit. Para may effects saka-sakaling kailangan kong umarte. ^_^.

Medyo naghintay nga ako na may tutulong sa'kin pero mukhang walang magbabalak kaya tumayo na ako at medyo iika-ikang umupo sa upuan ko. Gayun paman, kahit nakayuko ay pansin ko parin ang iilang ekspresyon ng mga kaklase ko. Natatawa sila. -__-. K.

Naiyak ako non. Siguro kung iisipin nila, dahil 'yon sa pagiging maarte ko... pero iba sakin... kasi naiyak ako dahil pakiramdam ko, dahil 'yon sa pagkakapahiya ko.

Ni isa ba naman sa kanila walang tumulong? Ano 'yon? Joke? Pero ene wow, 'lanakompake. Past is past, pengeng pagkaen.

End of Flashback

Bilis-bilis akong tumayo mula sa pagkakadapa. Nandun 'yung ibang elementary student na nakatingin sa'kin habang tawa ng tawa. Ang sarap tuloy nilang iuntog sa pader. Kaya naaalala ko na naman ang kahihiyan kong 'yun eh.

Ngayon nakuha ko na ang atensyon ni Ma'am Sharon. Ang critique ng school. Wait... naaalala ko pa nung una ko siyang naipakilala kaya hindi ko na uulitin. Pero gusto kong ulitin kaya wala kayong magagawa.

Siya kasi ang assigned sa discipline at morals ng istudyante. Kunwari, dadaan siya tapos narinig ka niyang magmura... agad ka niyang papagalitan. Minsan, nagbibigay siya ng nga karampatang parusang, kaya naman ng istudyante... the worst case, e baka ipadala ka niya sa guidance office tapos isang araw ka doong huhusayin. Aba nakakabagot ng soooobra sa loob.

"Oh Tin? Bakit nandito ka na naman?" Bungad sa'kin ni Rate pagpasok na pagpasok ko palang ng classroom.

Wow! Umagang-umaga naninira ng araw ah? "Bakit? Ayaw mo na ba akong makita?" Paawa effect kong sabi na nginisihan niya saka lumapit sa'kin.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now