Highschool 7

269 7 6
                                    

Highschool Disasters: His Name

Narrator

TAHIMIK NA NAGLALAKAD si Dwayne sa hallway ng school noong umagang 'yon. Nagko-cope up palang siya sa klase dahil hindi pa siya kumportable sa mga ito. Hindi niya namalayan na may nagmamadaling babae na papunta sa direksyon niya kaya nagkabungguan sila. Hindi siya natinag sa kinatatayuan pero kung mapaatras ang babae ay parang pader ang nakabunggo nito.

d(._____.)b

"Ouch! Look at where you're going!" Matigas na Ingles nitong sabi sa kan'ya habang pinapagpagan ang damit na tila ba naalikabukan, kahit hindi naman ito natumba. Ni hindi rin ito nag-aangat ng tingin. Kakaiba. Ito pa ang may ganang magalit.

"Ehem. Excuse me?" Tanong niya habang nakatingin sa mamula-mula nitong buhok.

Mapapasabak pa yata siya sa inglesan nito.

Nang mag-angat ito ng tingin ay halatang natulos ito sa kinatatayuan. Maging siya ay ganun din ang naramdaman ng magkatinginan na nga sila ng tuluyan. Emerald green ang kulay ng mga mata nito. Kakaiba.

"Oh. Handsome. Uhmm, I mean... sorry," Awkward itong ngumiti bago patakbong umalis.

Natakot yata sa kan'ya.

d(-___-)b

Ikinibit balikat niya lamang ito at nagpatuloy... NANG may mabunggo na naman siya.

This is not a nice way to start your day. Halos napairap siya.

"Ooops! Sorry! Hindi kita nakita lalaki! But well, I gotta go!" Sabi nito at tinapik siya sa balikat saka tumakbo na naman.

She really acts like a guy. The way she moves, the way she reacts, she does it boyishly. Tapping the shoulders as a greeting and a goodbye could be something done by most of the guys. It's part of some bro code that girls won't understand... unless, it is explained... by them themselves.

Hindi niya parin nakakalimutan ang kahapon. Kung paano siya nito murahin.

Nakakainis. Siya na nga ang tinulungan.

d('____')b

Pero isinawalang bahala niya na iyon. Wala rin namang mangyayari kung magmumukmok siya.

Nang makapasok na siya sa room ay agad siyang sinalubong ng mga kaibigan.

"Jace, mabuti naman 'di ka na late ngayon," bati ni Mel saka sila nag-bro fist.

Si Jordan naman ay inabot ang kamay sa kaniya at binunggo ang mga balikat nito. "Jace bro!"

Buto-buto. Ang sakit sa katawan.

d(>___<)b

Nginitian niya lang ang mga ito at umupo na sa upuan niya. "Wala nang klase mamaya bro. Pustahan tayo? Dota tayo diyan sa computeran sa harap," kausap sa kaniya ni John Paul, isa pa niyang kaibigan.

Ngumisi siya. "Siguraduhin mo lang na matatalo mo ko Jam," pagyayabang niya kaya nakatanggap siya ng mahinang sapak sa balikat.

Kahit kailan talaga pikunin si John Paul. Pero nagkakasundo naman sila kaya wala lang 'yon.

Handa pa sana siyang makipag-asaran nang makaramdam ng mga matang nakatingin sa kaniya. Lumingon siya pero wala naman siyang nakita.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now