Higshchool 38

112 4 0
                                        

Highschool Disasters 38: Wala

Sa entrance palang ay nakita ko na si Ven na nakatayo kasama si Davis. Mukhang may pinagtatalunan pa silang dalawa.

Psh! Etong ayaw ko sa lovelife na 'yan eh! Walang magandang naidudulot! Lamporeber!

"Davis?! I told you that's nothing!"

"You don't tell me what to think! I saw it! You're flirting with that monkey!" Madiing sabi ni Davis sa matigas na ingles.

"I don't flirt with animals, Dave! And I'm not flirting! I call that being nice! You know me!"

Pft. Anong pinaglalaban naman kaya ng mga 'to?

"That's why I'm angry! I know you! I know that you're not that kind of girl! But I can see the difference of everything right now! You're changing!" Sigaw din ni Davis at tinapunan ng masamang titig si Victoria.

"What the hell?!" Parang nas-speechless na nasabi ni Ven.

Halos lahat ng istudyanteng naglalakad sa hallway ay napapatingin sa kanila. Lalo na't Pilipinas kami at puro sila ingles. Baka mahimatay ang iba sa nosebleeding at madagdagan pa ng hemorrhage kung magkakataong mauuntog sila 'pag nahimatay na.

"Oy, oy, oy bago kayo magkainitan ay lumabas muna kayo at dun kayo mag-away ng walang madistorbo uy!" Pakikisali ko at pinandilatang silang dalawa.

Nakita ko na si Ma'am Sharon sa gawing kabilang dulo ng madilim na hallway. I smell danger~

Tinapunan ako ng matalim na titig ni Davis pero hindi na siya nagkomento at binigyan din ng matalim na tingin si Ven bago umalis.

Nakita ko ang pagbitaw ng malalim na hininga ng kaibigan ko. Parang kanina lang ay hindi siya makahinga at ngayon lang niya naalalang libre ang oxygen at hindi kailangan ng bayad kapag sininghot.

"Aaaargh! So damn frustrating! Zen?! You know me too, right?" Tanong niya tapos mangiyak-ngiyak na tumingin sa'kin.

"Aba'y malay ko sayo! 'Wag kayong nagkakalat dito sa entrance dahil baka hindi na kayo papasukin! Don kayo sa labas!"

"Duhhh~?! Zen we're already outside?!"

"Ms. Victoria Eren Sireo your royal highness, nasa loob na po kayo ng school dahil nakapasok na po kayo sa first gate? This is inside the vicinity of the school already, your royalty. Doon pa po sa labas ng first gate ang outside po." Sarkastiko kong sabi at pinagdiinan ang title niya sa Britain.

Kung hindi niyo naaalala ay sinabi ko ng dalawa ang pintuan papasok ng school. May sliding gate sa una at sliding door naman na susunod. 'Yung main gate ay ang tinatawag kong first gate. May malaking space sa entrance at may lounge doon kung saan nakalagay ang benches para doon uupo ang students kapag naghihintay sa pagbukas ng second gate o 'yung sliding door.

Nanlaki ang mata niya at nilingon ang ibang tao sa paligid. Sinampal-sampal niya ako ng mahina sa pisngi habang bumubulong-bulong.

Kung ako ang tatanungin mukha siyang albularyong nanggagamot pero may sakit din sa utak kaya mapapalayo lang ang kung sino mang gustuhing magpagamot sa kaniya.

"'Wag kang mag-alala, Your Highness. Hindi nila malalaman." Pangisi-ngisi kong asar at dumiretso na sa guard na nasa second gate at nagche-check ng bags.

Pasingit-singit lang ang ako sa iilang space sa pagitan ng mga isyudyante at naunang magpacheck.

Nang ako na ang sumunod ay binuksan ko ang bag ko at pinacheck sa kaniya. Mabilis namang iyong kinalkal ng guard at may inilabas.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now