Facebook
Napansin siguro ni Shemz ang pamumula ng mata ko kaya lumapit siya sakin. "Anong nangyari Tin?" Halata ang awa sa mukha niya.
Bukod sa pagmamaldita, isa din siyang mabuting kaibigan. (Kung binabasa mo 'to, joke lang pala) hehehe. Kaya ipinakita ko sa kaniya ang message kung saan nakalagay ang break-up namin ni Brent. Binigay ko lang sa kaniya 'yung phone ko bago ako dumukdok sa desk ko. Hindi ako madalas magkwento tungkol sa pamilya ko kaya 'yun nalang ang pinakita kong dahilan.
'Yun ang alam ng lahat. Na kaya ako umiyak nung umagang 'yon... ay dahil sa break-up namin ni Brent. Bagay na kinainis ko. Binigay ko kay Shemz ang cellphone ko para hindi na siya magtanong... hindi para ipakita sa lahat ng kaklase ko ang bagay na 'yon. Naiinis ako sa kaniya ng sobra, dahil pakiramdam ko... pinakialaman niya ang buhay ko. Hindi siguro talaga siya makaintindi ng salitang Privacy at For Close Friends Only kaya pinabasa niya pa sa iba. Tssk. Pero kahit na ganun, pinuri ko nalang ang sarili ko at pinuwersang tumingin sa bright side ng buhay ko. Inisip ko nalang na... ang galing kong umarte! Feeling ko, pwede na akong mag-artista sa sobrang galing kong gumawa ng cover para hindi nila malaman ang mas mabigat kong problema.
Ganun dapat kasi 'yon. Look at the silver lining!
Ang nakakainis pa doon, nagsulputan bigla ang mga Fried Chicken kong kaklase. Fc for short. Tanong ng tanong kung bakit daw kami nagbreak eh bagay daw talaga kaming dalawa. Pati sina Sherrie at Rielle 'yun din ang tinatanong. Sa pagkaka-alala ko, minsan na nilang sinabing makipag-break na ako kay Brent dahil mas boto daw sila kay Maze para sakin. Bali-balita kasi, may plano daw 'yung manligaw sakin. Naks! Ganda ko naman talaga.
Pero mas okay narin na nag-break na kami. At least, single na ulit ako. Wala na akong pagkaka-gastusan, malaya na ako. Happy na ulit ang buhay.
Na-realize ko lang na nakakatamad din palang magkaroon ng ganun. Daming kaartehan sa buhay.
Natural lang na mainlove ka. Natural lang ang magka-crush at magbulakbol. Minsan nga susubukan ko na ding mag-cut... Hehe.
__
After Lunch
Naglalakad ako sa corridor ng New Building kung saan nakakonekta ang room namin sa room ng kabilang section. Magkatabing-magkatabi lang. Hindi ko nga maintindihan, kung pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana. Wengya. May hindi yata kami napagkasunduan ng tadhanang 'yon at palagi nalang niya akong inaapi.
Lumapit sakin bigla si Gyrond. Ang taong isang taon yatang binilad sa araw kaya nasobrahan sa init at nasunog.
"Gyrond," pasimple kong bati.
Oo. Kasama siya sa angkan ni Brent, pero medyo friends naman kami kaya wala akong problema doon.
"Dristine, nasagap ko 'yung balita," nakangisi niyang sabi.
Wala nang bago don. Ang chismis ay chismis. Hindi 'yun mapipigilan. Kung baga sa tae, malayo ka palang... naaamoy mo na. 'Yung iba... iba ang pasabog kapag malayo. Kung sa chismis, mas malayo ang napuntahan, mas malala ang epekto. Ganun kalupet.
"O eh ano naman? Chismoso ka na pala ngayon?" Taas-(dalawang) kilay kong tanong.
"Umiyak ka ng dahil kay Brent?" Nandon sa mga mata niya ang pang-i-insulto habang tinatanong niya 'yon. Nakakainis lang.
