Highschool 15

155 3 8
                                    

Highschool Disasters: Melbi

"Dristinaaaaa! Halika dito!"

Takot akong lumapit kay mama nang isigaw niya na ang pangalan ko. Halata din ang galit sa mga mata niya. Pero nakuha ko paring ngumiti.

Sinalubong niya ako ng kutos. Pero 'di ako umiyak. Aba! 'Di na uso 'yan ngayon.

"Ma! Masakit! Hinaan mo naman ng konte, mamaya mabobo ako dahil nasobrahan sa alog ang utak ko---"

Malakas na pektus naman ngayon. Nakakadami na 'tong si mama. "Ma! 'Yung utak ko! Nahulog na yata!"

"Tigilan mo ako Dristine! Baka 'di ako makapagpigil at bubugbugin na kita! Ano na naman itong nabalitaan kong nanapak ka raw?!" Galit niyang tanong

Luh! Nakarating sa kaniya! Hindi ako sumagot kaya lalong napatunayan na guilty ako! Aambahan na naman sana ako ni mama ng kutos... mabuti nalang umextra ang dakila kong Kuya. Si Kuya Zein.

"Ma, 'wag mo nang pagbuhatan ng kamay 'yan. Imbes na umayos 'yan baka lalo lang 'yang magrebelde. Alam mo namang hindi na nagtitino 'yan"

Itong isa ding 'to! Ayos na sana e, nilait pa ako. "Justine. Ikaw pala. Kamusta ang masteral mo?"

Haaay. Mabuti nalang umextra siya. Napunta na sa kaniya ang usapan. Agad naman akong umexit bago pa ako makita ni mama. Phew!

Flashback

Tahimik akong nakaupo sa upuan ko. Katabi ko sa Jordan at nasa harap ko naman si John Paul. Habang sila Demver at Franz ay katabi din ng mga katabi ko. Pinapalibutan na nga ako ng mga lalaki pero wala naman akong paki. Si Dwayne naman nasa likod ko. Yieeeh!

At dahil buong lahi na ng mga unggoy ang nakapaligid sa'kin, 'di narin nakuntento si Melbi at pumunta kay John Paul. Makikipagharutan na naman siguro. Ang kaso nakaharap na sa'kin 'yung pwet niya. Pilit akong umiiwas pero dinidikit niya talaga sa'kin. Pinilit kong magpasensya pero buong minuto niya na yatang ginagawa 'yon. Tumatawa pa sila Demver. Mga gago! Akala siguro nila masaya.

"Mel ano ba?! Bastos!" Pero hindi niya lang ako pinansin. Masyado na akong napuno... isama mo pa 'yung pandidiri.

Kung akala niya masaya 'yon kapag ginagawa niya sa ibang mga kaklase ko, pwes hindi sa'kin. Tumayo na ako at hinatak ang kwelyo niya.

"Tang*na! Hindi ka bang talaga makaintindi!? Maghanap ka nga nang ibang haharutin!" Galit ko nang sabi pero nginisihan niya lang ako.

Dahilan kung kaya ko nakita ang kanal niya sa bibig. "Bungi!" Irita kong sabi.

As much as gusto ko nang magtino, marami talagang mga taong hindi makaintindi. Ako nalang lagi ang naga-adjust. Hindi din ako mahilig magstate ng obvious para mang-asar. Ewan! Naaawa ako sa mga kaaway ko kapag ganun!

Nabura ang ngiti ni Melbi ng tinawag ko siyang ganun. "Bwisit ka ah" matalim ang titig na sabi niya. Siya pa ang may ganang gumanon.

Bigla niya nalang hinawakan ang pwet niya at pinaamoy sa'kin. Kahit wala akong naamoy agad akong nairita. Naputol na yata ang pisi ng pasensya ko. Mas lalo ko pa siyang hinila sa kwelyo at sinapak. Natumba siya sa sahig. Masubsob ka sana!

"G*GO!!! Mamatay ka na!" Galit kong sigaw

Nagtayuan narin sila Dwayne at itinayo si Mel. Ramdam ko ang talim ng mga tingin ni Dwayne at Jordan sa'kin. Pero hindi ko na 'yon pinakealaman. Bwesit na bwesit na ako sa lalaking 'to! Dagdagan ko kaya 'yang bungi niya?!

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now