Highschool 39

104 4 1
                                    

Martin

Biyernes ng hapon ay tumambay ako sa labas ng first gate para maghintay kay Xen. Siya daw kasi magsusundo sa'kin.

Nakauwi narin sila Sherrie sa kanila dahil nauna ng umalis ang service namin.

Ang kaso, ilang oras na yata akong naghihintay sa labas eh wala parin akong Xendrick na nakikita.

Langyah. Dumidilim na.

*bzzzzzzzt!* *bzzzzzzt!*

"Ano ba?! San ka na?! Kanina pa ako maghihintay! Baka naman may plano ka ng sunduin ako no?!" Litanya ko ng masagot ko ang tawag.

"Oh c'mon babe! Calm down! I'm almost there! Traffic kasi!"

"Kalmahin mo mukha mo! Nilulumot na ako dito!"

"Baby are you wet?"

Umakyat ang dugo ko sa mukha. "What the hell Fuerro?!" Pasigaw kong sabi at tinawag na siya sa apilyedo niya.

Umalingawngaw ang tawa niya sa kabilang linya. "Calm down babe! Hahahaha! I just concluded because you told me na nilulumot ka na. You know.. mosses grow from wet lands. What the heck are you thinking?!" Tanong niya na parang ako pa ang may iniisip talaga!

"Ewan ko sayo!"

Tapos pinatay ko 'yung tawag.

Hmp! Nakakainis!

"Zen."

Napalingon ako sa tabi ko at nakita sila Dwayne at mga kaibigan niyang galing sa kabilang section at pawis na pawis. Pati narin 'yung si Simoun at Davis.

Dwayne nalang talaga itatawag ko sa kaniya dahil balik siya sa Zen. Parang wala akong karapatang tawagin siyang Jace kung Zen naman ang tinatawag niya sakin.

"Oh? Ba't ganiyan mga itsura niyo?" Pa-feeling close kong tanong.

"Nag-basketball kami. Sino pang hinihintay mo dito? Alas-singco imedya na." Medyo hinihingal niya pang sabi pagkatapos tumingin sa relo.

"May hinihintay lang. Dito na 'yun maya-maya."

Kumunot ang noo niya pero hindi na siya nagkomento. Bumaling ako dun sa Simoun na nakangisi sa'kin. Nakikita ko ang matalim niyang pangil sa kaliwa. At kay Davis na hanggang ngayon ay masama ang tingin.

May problema yata talaga kami nito.

d(-____-")b

Pasimangot akong inirapan siya.

Tinapik ni Simoun si Davis at Dwayne.  "Tayo na. Computer tayo diyan sa tapat. May pustahan pa tayo." Nakangisi paring aniya.

Mga ibang istudyanteng hindi makadaan sa likod dahil nakaharang sila sa entrance kaya hinila ko ang t-shirt ni Dwayne papunta sa tabi ko.

"Padaanin niyo 'yung sa likod."

Nagsitabihan naman sila at tuluyan ng lumabas. Pinagtitinginan sila ng iilang Grade 7 na nakatambay sa labas.

Gwapo eh.

"Dito nalang muna ako." Si Dwayne habang nakatingin sa'kin ng diretso.

Tumalim ang titig ni Simoun at kumunot naman ang noo ni Davis. Nagsitapikan sa kanila ang ilan pang kaibigan at sumenyas ng mauuna sa computer shop na iilang lakad lang mula sa school.

Tatlo nalang silang natira sa harapan ko.

"Tayo na Jace" si Simoun

"Huwag bro. Hindi tayo talo." Nakangisi ring sabi ni Dwayne at niyakap pa ang sarili ngunit matalim ang titig kay Simoun.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now