Highschool 37

87 5 0
                                    

Highschool Disasters 37: Bunso

Pagdating ko sa bahay ay agaran ang pagbukas ko ng imbitasyon. Nakita iyon ni Chief kaya lumapit siya sa'kin.

"Party na naman 'yan? Anong meron sa bahay ng mga Sireo?" Tanong niya ng kunot ang noo habang nakikibasa sa imbitasyong hawak ko.

"Umuwi daw ang matandang Sireo, Chief. Gusto daw niya akong makita kaya payagan mo ako. Hehehe" nagtatapang-tapangan kong sabi at awkward na ngumisi dahil sa tingin palang ni Chief ay alam ko ng hindi talaga siya papayag.

"Maiintindihan ni Eiktov ang hindi mo pagdating. Gabi na 'yan oh. Alas otso pa! Eh ni hindi ka nga marunong tumawid ng kalsada." Patuyang pang-aasar niya at tumawa pa ng malakas.

"Ano ba Pa?! Exclusive naman village non! And for sure susunduin naman ako ni Ven eh" pagtataas ko ng boses. Ang bilis ko kasing maasar 'pag si Chief na ang bumanat.

"Asuus. Paniwala naman. May pinopormahan ka siguro doon eh kaya mo gustong sumama? Sabi ni Victoria ay nakita ka daw niya kanina sa garden na may kasamang lalaki ah?"

Nakadating na agad sa kaniya? Ven humanda ka sakin!

"Pa naman?!" Pa ang tinatawag ko sa kaniya 'pag asar na asar na ako oh kapag nasa ibang lugar kaming dalawa. Pero angat ang pagka asar ko sa kaniya ngayon "Ang sabi ng matandang Eiktov ay miss na miss niya na daw ako kaya kailangang andon ako! Ikaw eh nagmamalisya ka." Sabi ko at nag pout.

Nanahimik ng panandalian si Chief bago siya ngumisi. "Wala ah papayagan naman talaga kita ha ha ha! Hindi ba ay doon ka rin matutulog? Dun ka nalang para hindi ka na uuwi pa."

Tiningnan ko siya ng matalim. "Ayaw mo ba akong makita pa kaya ayaw mong umuwi pa ako?"

"Ha ha ha! Mas mabuti na nga iyon Zen at makapag pahinga naman ako! Kung nandito ka'y mas lalo lamang ako napapagod tuwing nagmumukha kang ganiyan! Natatawa ako eh ha ha ha!" Tawa niya na naman at tumayo na saka pumasok sa kwarto nilang dalawa ni Mama.

Ugh. Nakakairita na talaga 'tong tatay ko!

d(>__<)b

Mas bata pa yata siyang mag isip kaysa sa mga kuya kong feeling matanda pero hanggang feeling lang!

"Hmph!"

Dumiretso narin ako sa kwarto at nagbihis dahil nakalimutan ko na 'yun nung binuksan ko ang imbitasyon. Maaga kami sa biyernes at saktong sa araw na 'yun din ang party. Hays.

Ano namang susuotin ko don?

Napalingon ako sa cabinet nalalagyanan ko ng damit. Sabog-sabog iyon at malapit ng magmukhang basurahan kung hindi lang damit ang nakalagay. Siguro 'yung pang ukay-ukay na ang itsura non.

Dahil wala naman akong ginagawa ay inayos ko ang mga damit ko don at isinalansan sa pambahay, maong, pang-alis, at shorts. Ilang minuto yata ang ginugol ko para maayos 'yon dahil nagkabuhol-buhol pa ang iilang long sleeves.

Sa durabox na nasa tabi naman nakalagay ang mga damit na hindi pwedeng tupiin dahil mas mahirap 'yun kung paulit-ulit na paplantsahin. Kasama na doon ang mga uniporme at mga long sleeves na pampormal.

Sari-saring kulay ang mga damit ko at mukhang marami pero iilan lang din naman ang sinusuot ko dahil hindi ako mahilig magdress up masyado. Sa ilang minutong pakikipagtitigan ko sa mga damit ay nakompirma kong wala talagang matinong masusuot.

Jeans and shirt is still the best. Teheee~

Pumunta akong kusina na kadugtong lang din ng kwarto namin at isang bukas lang ng pintuan ay kusina na agad. Hindi naman kasi kasinglaki ng mansyon ni Ven ang bahay namin. Minsan na nila kaming inalok na bibigyan ng space dun sa village na kinabibilangan nila pero tumanggi si Chief dahil gusto niya daw ng normal na buhay.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now