Highschool 3

453 17 1
                                        

Crush?


Maaga akong gumising para sumabay sa sundo nila Sherrie. Siya lagi ang naghahatid sundo sa'min 'pag pumupunta o umuuwi galing school.

I mean, hindi siya kundi 'yung lolo niya. Wait... na kasama 'yung tryc nila kasi hindi naman kami pwedeng buhatin ng lolo niya isa-isa at ihatid sa school. Hindi naman sa nagsa-suggest ako ha kasi malalaki na kami.

Pagpasok ko palang sa school, napansin ko agad ang isang medyo morenong lalaking nakasandal sa harap ng registrars office. At 'yung pagiging moreno niya matingkad. 'Yon bang light lang. Mas gugwapo siguro siya kapag nasikatan ng araw. Matangkad din siya at maganda ang tindig. Halatang masungit at mahilig sumimangot.

Putek. Is this what you call tall, dark and handsome?

"Dwayne! Kanina ka pa ba diyan?" Isang babae ang tumawag sa kaniya.

Classmate ko siguro ang isang 'to. 'Di ko lang matandaan ang pangalan dahil hindi naman katanda-tanda. Mahaba ang buhok nito at halata ang pimples sa mukha.

Dwayne pala ang pangalan niya. Gwapo parin kahit pangalan. Napangiti tuloy ako. Well, kahit ayaw ko na agad sa babaeng tumawag sa kan'ya, okay lang. At least, ng dahil sa kaniya, nakilala ko ang 'lalaki sa registrar.'

*tok*

Napahawak nalang ako sa ulo ko nang may lapastangang kumatok nito. Langyah! Mapaghahalataan talaga ako nitong puro hangin ang utak. Lakas ng tunog e.

"Dristine, baka nakakalimutan mong nasa entrance ka. Hindi kami makadaan, 'wag kang epal," dire-diretsong sabi ni Rate.

Pake'lamera talaga ang isang 'to.

Kaya nagpatuloy na akong maglakad. Nakasunod parin ang mga mata ko sa mukha ng gwapong lalaking nakasandal sa wall ng registrars office.

"Crush mo 'no?" Paepal na naman ni Rate. Napansin niya sigurong nakatutok ako don sa Dwayne. Himala, naaalala ko ang pangalan niya ng malinaw na malinaw.

Ano ba 'tong babaeng 'to. Ba't 'di nalang ako lubayan at masyado talaga siyang maingay. "'Wag kang tsismosa Rate, sampalin kita diyan eh,"  pagbabanta ko sa kaniya pero inirapan niya lang ako at dire-diretsong umakyat.

Tsk! Pagbaling ko sa lalaki kanina, wala na siya. Bilis makaalis. Sino 'yon? Si Iron Man? Bwiset naman kasi talaga ang Rate na 'yon. Kung 'di sana siya umepal e 'di sana nabantayan ko pa ang lalaking 'yon.

Dumiretso nalang ako ng second floor, New Building at pumasok ng room. Walang naiba, napakatahimik parin ng lahat. Lalo na ako. Ba't ba kasi hindi ako mahilig magsalita eh. Ganito talaga siguro dito... tutal bago pa naman. Ano pa bang i-e-expect ko?

Pumasok ang teacher namin na si Ms. Nio-- ano nga ulit 'yon? Ah basta.

Nagtuloy-tuloy ang klase hanggang maglunch. Hindi naman kasi ako lumabas noong morning break. Nang malapit na ako sa hagdanan pababa ng cafeteria, nakita ko na naman siya. Nakasandal naman siya sa may hawakan ng hagdanan at tila may hinihintay. Hindi ko alam kung sino, pero hindi ko nalang pinansin. Gwapo niya lalo kapag sa malapitan.

Tumingin siya sa'kin nang dumaan ako sa harap niya. Pero sinungitan niya lang ako. Natalo pa si Zion, ang kuya ko, kung magsungit. Inirapan ko nalang din siya pero naalala ko, 'di nga pala ako marunong non. Napakaantipatiko! Eh hindi naman kami close!

Bumaba na nga ako ng tuluyan papuntang cafeteria. Sinalubong ako ng mga nakakabwiset kong katropa.

"Bessssss!!!"

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now