Highschool 43

84 3 5
                                    

Period

A/N: Unedited.

__

Ilang araw na at wala parin kaming naumpisahan. Dinatnan pa ako ngayon kaya naiinis ako sa lahat ng tao sa mundo. Hindi pa masakit, kasi bukas pa. 2nd day pa. Ang kaso, naiinis talaga ako.

Kailangan ko ng madaming mansanas at gatorade para mabuhay ako para bukas. Gusto ko ng hilaw na mangga, hilaw na bayabas, lemon, dalandan. Gusto ko ng maalat, iyong agad akong magkakaroon ng kidney stones at ipapabunot ko iyon sa dentista.

Math ulit ngayon. Kaya pala absent 'yung adviser namin ay dahil sumakabilang-buhay daw ang ama at kailangan nilang mag-absent. Kung ako ang tatanungin, kahit sinong tao ang buburolan ay hindi ako pupunta sa eskwelahan. Lol.

"Zen Rion! Ano tutunganga na naman kayo?! Ano ba?! Grade 8 palang kayo! Huling quarter niyo na at saka pa kayo nagloloko?! Hindi ba sabi ko double time?! Hindi ba?!"

Agad akong tumayo at inis siyang tiningnan saka hinampas ang lamesa ko. "Ba't ba kailangang sumigaw-sigaw ka pa Ma'am! Hindi ba pwedeng hinaan mo naman?! Tapos magrereklamo kayo sa'min kasi napaos kayo dahil sa'min?! Aba kasalanan ba naming naka-speaker 'yang vocal chords niyo at palaging naka full volume kahit nakikipag-usap lang?! Aba eh daig niyo pa iyong nagsasalita para sa mga politiko! Daig niyo pa 'yung nagbebenta sa tindahan! Kaya Ma'am, hindi ba pwedeng hinaan niyo naman?! Naririndi ako! Nanggigigil ako sayo! Pakainin kita ng napkin diyan eh!"

"Ano pang tinitingin-tingin mo Ms. Rion?! Baka gusto mong ako pa ang maghila ng upuan mo?!"

Naku...

Aba'y kung gusto niya ay 'di gawin niya! Pinipigilan? Mukha siyang pokemon na ilang araw ng dehydrated.

Napakamot ako sa ulo ko sa inis. Gusto ko siyang sigawan at sabunutan. Hays. Kung pwede lang.

Tahimik akong nagtungo sa bakanteng upuang nasa tabi ng lalaking bwesit. Nakuu, pag-umpugin ko kayong dalawa nung teacher mong mukhang lapu-lapu eh!

"Anong problema mo?"

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "Pakielam mo ba? Pwedeng matulog ka nalang diyan?" Inirapan ko siya. Bakit tuwing math ay kailangang tabihan ang partner? Kala ko ba projects lang? Ba't kasama lessons at recitation? Nakakagigil.

"Anong ginawa ko sayo?" Salubong din ang kilay na tanong niya.

Aba nama't! "Bakit ba dapat alam mo kung anong ginawa mo? Ba't ko sasabihin sayo? Nanay ba kita?"

"Bakit? Sinabi ko bang anak kita? Gusto mong matawag na baby?"

Bwiiiisiiiiit! !@#$/&$*!!

"Pwede ba?! Tuwing kinakausap kita tinutulugan mo 'ko! Tapos ngayong ayaw kitang kausap saka ka naman nakikipag-usap!" Inis kong sigaw na pabulong.

Nagkaklase na kasi iyong teacher na mukhang lapu-lapu at palaging nakabantay sa'kin. Nagagandahan siguro ito sa'kin dahil mukha akong magandang sirena habang siya ay hamak na lapu-lapu lamang.

"Ayaw mo kong kausap pero sumasagot ka naman," walang karea-reaksyong aniya.

"Sasampalin kita," banta ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

Sige, subukan mo pang sumabat at tototohanin ko talaga! Nakuu, mga lalaki pa naman ngayon ay mas lalo nagti-trigger kapag binabalaan na! Mga walang kwenta!

".....
.
.
.
.
......"

Naghintay pa ako ng ilang minuto at wala na siyang naisagot. Mas lalo lang akong nainis sa kaniya. Kaya hindi talaga dapat pinagkakatiwalaan ang mga lalaki eh, mga walang kwenta. Madadaling sumuko, pero magaling maghanap ng bago. Hindi porket mukha siyang prince charming ay pwede na siyang umarte na parang hahabulin siya ng lahat. Hindi ako prinsesa

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now