RecollectionRecollection Day...
'Di ako makapaniwalang dadaan ng ganun lang kabilis ang panahon. Recollection day na namin at sadyang nakakabored ang buong araw na 'yun. Pero nang dumating ang iyakan... doon ako nagising sa katotohanan.
"Now, we proceed to the confessions. May vase diyan sa gitna 'diba?" Sabi nung facilitator/MC.
Tumingin din kaming lahat sa vase na nasa gitna. May mga puting tangkay ng rosas na nakalagay doon.
"You will give that to someone you have done wrong. Give your apology to them. And, you can give it, to offer new friendship as well. 'Yung mga makakatanggap naman, kayo din ang magbibigay sa taong ginawan niyo ng mali. Keep the cycle"
Pagkasabi noon ni Maam Quimpo, ang facilitator namin ay agad na nagsipuntahan ang mga kaklase ko sa vase ng white roses. Hindi ko nalang iyon pinansin at yumuko lang.
Seconds later... may nakita akong dalawang pares ng sapatos sa harap ko. Medyo shock pa ako ng konti dahil wala talaga akong ini-expect na magbibigay sakin. Kung meron man... Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ako ng umiiyak na mukha ni Hanna.
"Tin, s-sorry. Sorry dahil sa nangyari sa inyong dalawa. Sorry dahil ganun ang nangyari. *huk* h-hindi ko naman kasi ine-expect na aabot tayo sa ganito dahil lang don. Sorry" umiiyak paring sabi niya
Nawala pansamantala ang ekspresyon sa mukha ko pero ibinalik ko din 'yon. Pinunasan ko ang luha niyang dumadaloy sa pulang-pulang mga mata niya.
"The things you did, cannot bring back the past. But can be used to continue what's best for the future. 'Wag kang umiyak-iyak sa harapan ko dahil hindi ako sanay. Don't worry, kaunting tampo lang 'yon" poker-faced kong sabi saka dahan-dahang ngumiti
Nagsmile din siya at umupo na sa sarili niya upuan. Parang nabunutan lang siya ng malaking tinik sa lalamunan. Tumayo naman ako at lumapit ulit sa kaniya. Umiiyak parin siya pero nandon na ang kakaibang spark sa mga mata niya. "I'm not asking for forgiveness but... I'm asking for a new friendship." Inilahad ko ang palad kong may hawak na rosas sa kaniya. "Friends?"
Tinanggap niya naman ang kamay ko at taas-babang ginalaw iyon. A sign of a new friendship in disguise of a hand shake. How funny could the world be?
Pagbalik ko sa upuan ko ay nakadekwatro akong umupo. Pero may pares na naman ng sapatos sa harap ko. Sapatos ni Gabrielle.
"Rielle"
Lumuhod naman siya sa harap ko at pinatong ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng dalawang tuhod ko. "Tin" Umiyak siya bigla kaya nataranta ako.
"R-Rielle naman. 'Wag kang umiyak" sabi ko sabay tarantang kumuha ng panyo at pinunas 'yon sa mukha niya.
Tinapik niya ng bahagya ang kamay ko saka siya ngumiti. "Tin, sorry kung sinisiraan kita sa Mama ko. At sorry din, in behalf sa Mama kong sinisiraan ka din sakin. Sinabi din niyang iwasan kita dahil bad influence ka para sakin. *sniffs* Sorry din kung dahil sakin, nasira ang ilang parte ng pride mo. Dati, alam ko sa sarili kong ikaw ang mas deserving na maging first honor dahil mas matalino ka talaga sakin. Okay nga saking maging salutatorian lang dahil alam kong dun lang ang kaya ko. Sorry talaga Tin"
Sa totoo lang hindi talaga ako naiiyak sa sinabi ni Rielle. Nata-touch lang talaga ako na, nalaman kong alam niya pala ang favoritism na nangyayari in between sa'ming dalawa. At ang mga panahong umiiwas nga siya sakin, dahil pala 'yun sa nanay niya.
Wala akong masabi actually, kaya nginitian ko lang siya. "Don't worry Ri, kasi alam naman nating dalawa na parte talaga 'yun ng elementary. Hindi naman ako nagtatanim ng galit kaya okay lang talaga. Basta tandaan mo lang Ri, may mga bagay talagang itinakdang mangyari. Baka nga this time, mas mataas pa ang makuha mong marka kaysa sakin"