Highschool 46

83 3 0
                                    

Manhid

"Gusto mo nito?" Biglang tanong ng nagpakilala sa'king Daniel Martin. Basta talaga gwapo ay madaling tandaan ang pangalan. Hawak niya ang isang mansanas na nakahati na at binibigay sa'kin.

Simula kasi nung sinabi ni Dwayne na may sakit ako kaya niya ako dinala dito ay pinagtawanan siya muna ng mga pinsan niya at nagsiupuan sa malalaki nilang sofa at panay ang pakikipag-usap sa'kin. Masaya naman silang kausap, kaso, awkward.

Kinuha ko ang binibigay niya at nagpasalamat. "Hehe."

Tapos kanina pa mukhang bugnutin si Dwayne sa gilid. Inis siyang nakatingin sa'kin pero kapag sinasalubong ko naman ang tingin niya ay mag-iiwas siya ng tingin saka muling ibabalik 'pag hindi na ako nakatingin.

Crush na crush ako eh.

"Nga pala Jace, ilang taon na kayo?" Biglang tanong ng isa pang lalaking pinsan habang nakangisi.

Masama siyang tiningnan ni Dwayne. "Anong ibig mong sabihin?"

Tumawa ang lalaki. "Idedeny mo talaga, pinsan?"

"Shut up, Rad," inis na sabi ni Dwayne at nag-iwas ng tingin.

Biglang nagtakip ng bibig ang tinawag niyang Rad. "Don't tell me wala pa talaga?!" Tanong nito.

Ano bang pinag-uusapan nila? Akala siguro nila kami na ni Dwayne? Naku. Hindi ako papayag. Pero 'pag pinilit niya talaga ako eh. Why not 'di ba?

Biglang natahimik ang paligid at nagbantay sila ng reaksyon kay Dwayne. Kahit ako ay nahawa at nakibantay narin.

Nag-angat muna ng tingin si Dwayne sa'kin bago agad na nag-iwas ng tingin kaya nagsitawanan ang mga pinsan niya.

Duwag.

Siniko siya ni Raehance sa likod. "Don't be shy, brother. Nandito sila Mama, itatakwil ka ni Papa kapag nalaman niyang ganito ka. God. Two years? God!" Maarteng sabi niya at tumawa na naman.

"You're just like me cousins. You're all weaklings too."

Iyong kaninang nagtatawanan niyang mga pinsan ay nagsitahimik ng ilang minuto bago nag-umpisa ng batuhin siya ng mga popcorn at mani na kinakain nila.

"Kill 'yang kapatid mo namemersonal na!" Sigaw naman ng isa pa niyang pinsan.

Napuno ng tawanan ang kaninang tahimik na mansiyon ng pamilyang Martin. Nakita ko ang kakaibang kislap sa mga mata ni Dwayne. Kunwari naiinis pero masaya naman pala siya sa pamilya niya.

"Nga pala, Zenny," biglang tawag sa'kin ni Daniel Martin.

Kailan pa naging Zenny ang pangalan ko?

"Bakit Dani?" Pag-iimbento ko din ng pangalan niya. In fairness magkatunog.

Ngumisi siya bigla. "Kapag ako ba ang nanligaw sa'yo sasagutin mo 'ko?"

Nanlaki ang malalaki ko ng mata sa tanong niya. Nagsitawanan ang mga pinsan niya habang siya ay nakangiti.

"Uhh."

Biglang tumikhim si Dwayne at binato si Daniel ng hawak niyang popcorn. "Anong klaseng tanong 'yan?" Iritadong tanong din ni Dwayne

Tumawa na naman ang mga pinsan niya. Tuwang-tuwa sigurong pinagtitripan si Dwayne. Kahit ako ay natutuwa kasi iritadong-iritado talaga ang itsura niya eh.

Bigla siyang tumayo at lumapit sa'kin saka hinila ako paakyat sa isang hagdanang matangkad na, sosyal pa. Habang umaakyat naman kami ay panay cheer ang mga pinsan niya at kaway pa ng kaway sa'min na parang ikakasal kami.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now