Highschool 14

160 6 12
                                    


Highschool Disasters: Roll Eyes

Family day...

Pinilit ko si Kuya Zein (ang pinakamatanda kong kapatid) na pumunta ng family day dahil wala na namang balak na sumama sakin si Mama. Masakit daw ang kasu-kasuan niya at hindi daw siya makakahinga ng maayos sa usok ng syudad. Grabe lang! Nag-uumapaw sa kaartehan ang nanay ko juicekolord.

Pagpasok palang namin sa entrance ay sinalubong na agad kami ng mga hile-hilerang teachers ko at nag-abot ng nag-abot ng flyers sa'min. Hindi ko na nga binasa dahil naiirita ako. Nang makapunta kami sa court ay agad na umupo si Kuya Zein sa isang bench at doon nagpahinga. Nagpupunas pa siya ng pawis at saka siya naghubad ng jacket. Lakas maghubad kung apog oh.

Agad na may nagsilapitan sa kaniyang mga magulang. Kasama na doon ang mama ni Rielle at Shemia. Magkakakilala naman kasi talaga ang mga magulang namin dahil teachers sila at teacher din naman ang Kuya ko.

"Dristine! Kamusta ka na?" Bati ng Mama ni Rielle.

Medyo naiilang akong ngumiti sa kaniya. Nang marinig ko ang sinabi ni Rielle tungkol sa mama niya ay lalo lang bumaba ang respeto ko dito. 'Yun nga lang, kailangan ko talagang rumispeto dahil mas matanda parin naman siya kumpara sakin.

Pinilit kong magbigay ng matamis na ngiti. 'Yung tipong labas dimples. "Okay lang Ma'am. Hehe" sabi ko at saka sumenyas sa Kuya kong aalis na muna.

Humarap naman ako sa nanay ni Shemz. "Ma'am Edna, alis na po ako. Kailangan po kasing mag-attendance check eh. Hehe. Sige po" Humarap naman ako kay Kuya Zein. "Kuya, siguro naman kaya mo na dito. May kasama ka na naman eh. 'Ge" kinawayan ko pa si Kuya bago humarap ulit kay Ma'am Edna.

"Sige hija" sabi naman ni Ma'am Edna at ngumiti sakin. Wala naman akong problema sa nanay ni Shemz dahil minsan-minsan lang din naman kaming magkita. Bihira nga lang eh.

Tumango naman ako sa kaniya at kumaripas na ng takbo paalis. Phew! Pakiramdam ko nahotseat ako.

"Tin"

Paglingon ko sa kanan ay sinalubong ako ng isang blue-ng panyo na medyo malapad. Inaabot ito sakin ni Gyrond. Ay oo nga pala, minsan na siyang nangako na bibilhan niya ako ng panyo na kulay asul dahil favorite color ko daw 'yon. Pa'no niya nalaman? Dahil sa peste/preskong Brent na 'yon.

"Thanks Gy, hehehe"

By the way, Gyrond is pronounced as Gay-rond. Meron kasing Ji-rond ang basa dun eh.

Ngumiti naman siya sakin ng matamis. Feeling niya siguro ang gwapo niya, gosh! Mukha siyang asong nauulol na half mix ng ngisi ng isang cheshire cat. Nakakabwiset eh. Pero dahil may kailangan ako sa kaniya, ngumiti na din ako.

Saka ako pasimpleng humakbang palikod bago tumakbo ulit. Nakakainis lang, pagod na akong takasan ang mga tao dito.

"Tin! Anong problema mo na naman at kay aga-aga eh haggard ka?" Si Shemz. 'Wag kayo, bating-bati na ulit kami niyan.

Hindi naman kasi ako nagtatanim ng galit eh... simpleng tampuhan lang pero tumatagal. 'Yun lang. Teka, naiintindihan niyo ba ako? What I mean is, hindi galit 'yon kundi nagtatagal na tampo. Ah basta ganun 'yon.

"Bwiset kasi 'yung sunog na 'yon eh. Ang creepy-ing ngumiti. Pero 'wag ka, binigyan niya ako ng panyo oh. Kulay blue" Mainggit ka... mainggit ka...

"Whatever" nag-roll eyes pa siya! Maldita! Sampalin ko 'to eh!

Sige nga! Gawin mo!

Ay joke. 'Wag nalang. Gusto ko pang tumagal sa mundo 'no?

Natapos ang family day, na napuno ako ng mga pang-aasar nila Demver. Kesyo daw eh ang tangos ng ilong ng kuya ko pero 'yung akin hindi. Eh kesyo daw mukhang tisoy daw ang kuya ko ako daw hindi. Psh! FYI, hindi man ako tisay, maputi parin naman ako! Tsk!

Ilang linggo na naman ang lumipas, christmas na. Mabuti naman at may pahinga na kami sa napakahabang panahon ng klase. Nakakatamad eh.

Pero mabilis lang din namang lumipas ang christmas break. Walang magandang nangyari dahil nakakabore din naman. Parang hindi ko pa nga nafeel ang araw ng pasko.

January na nga. Parang kailan lang, pasukan pa lang. Ngayon, pasukan na naman. Sa aminin ko at sa hindi, namimiss ko na ang mga kaklase ko. Iwww. Did I just say namiss ko sila??? Iwww.

Teka. Ba't parang si Dwayne lang ang namiss ko? Iiih...

Pagpasok ko sa room ay tahimik akong umupo sa dati kong upuan. Katabi ko na naman si Rylle. Ang dakilang hari ng magagaling mambara.

Natandaan ko pa noon, nung madalas akong asarin ni Jordan na anak niya si Rylle. Ilang beses ko na kasing sinabi sa kaniya na mas matangos ang ilong ni Rylle at ang kaniya hindi kaya imposible 'yon. Pero ayaw maniwala sakin eh.

"Anak ko 'to Tin. Anak ko 'to" sabi niya habang niyayakap-yakap pa ang ulo ni Rylle mula sa likod.

Napangiwi tuloy ako. "Rylle! Sabihin mo nga diyan na 'di mo siya tatay! Nakakairita"

Tiningnan naman ako ng masama ni Rylle. "Close tayo?"

Aba buwiset 'to ah. "Edi hindi"

"Anak ko nga 'to. Pulis tatay nito eh" sabat na naman ni Jordan

Pulis? Wow ha, ngayon ko lang din nalaman. "Oh? Eh ano ngayon?"

"Kaya nga anak ko 'to eh. Ang tangos ng ilong, tapos ang gwapo--"

"Bakit? Pulis ka ba?"

"BWAHAHAHAHA!! Ayos Rylle!!" Nagthumbs up pa ako sa kaniya at tumango-tango.

Pag talaga si Rylle bumanat tagos sa laman eh. Nang tingnan ko ang mukha ni Jordan ay natawa ulit ako. Mas lukot pa yata sa basahan ang mukha niya! Tiningnan niya bigla ako ng masama kaya nanahimik ako.

"'Wag ka ngang tumawa diyan!"

"Pfft, sorry I can't help it"

Nag-iwas nalang ako ng tingin. God! I miss school. I miss him. Pero, bakit wala siya?

"Driistiiiiiine!!! I mish you!!!" Bungad bigla sakin ni Rate at niyakap ako mula sa likod.

Peste! "Iiiiw! Lumayo ka nga sakin! Nakakadiri"

"*pout* Hindi mo manlang ba ako namiss?"

"'Wag ka ngang pacute! Ang try hard mo eh!" Inirapan ko siya

Ha! Marunong na akong mang-irap ngayon! Kala niyo kayo lang marunong matuto ah?

"Wow! Marunong ka na?! Nagbakasyon lang tayo ng ilang buwan, natuto ka na?!" OA niyang tanong habang nakangiting parang aso. Mukhang bulldog na hybrid.

"Ay ewan!"

Buong araw, wala akong ginawa kundi manahimik. May bago ba? Wala naman. Ang bagal nga nang panahon. Nakakairita na.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now