Highschool 18

190 5 3
                                    

Highschool Disasters: Farewell

"Aalis ka na?"

Napayuko ako. "Oo"

"Ttae?" (Translation: When?)

"Bukas"

Natumba ang boteng nasa paanan niya dahil sa biglaan niyang pagtayo.

"Naeil?!" (Translation: Bukas?!)

"Anong sabi mo?!"

"Ang sabi ko, bukas na agad?!" Ulit niya

"Oo nga. Bukas na. Kaya nga nagpapaalam na ako sayo agad. Kahit naman mas gwapo sayo ang kuya mo, tingin ko naman magkaibigan na tayo diba?"

"Pa'no naman nasali 'yung mas gwapo ang kuya ko?" Inis na tanong niya at humakbang ng isa para mapunta na ng tuluyan sa harapan ko.

"Wala naman" painosente kong sabi

"Pero balik tayo sa usapan, kasi 'yun na nga ang mahirap. Oo magkaibigan na tayo, pero hindi ba... 'yun ang mas masakit? Dangsin ui tteona na? Zen?" (Translation: Iiwan mo na ako?)

Tiningnan ko siya ng masama. "Hindi kita maintindihan, Lucas! Tigilan mo nga ang paggamit ng korean language. Ako lang dapat" inis ko ding sabi

Yumuko siya. "Don't mind me. Geunyang seulpeun" parang naiiyak niyang sabi.
(Translation: I'm just sad)

"Hayan ka na naman eh." Tumayo ako. "Kung nalulungkot ka, at sadyang ayaw mo lang sabihin, sabihin mo parin. Mamaya mahiya sayo ang dila mo, hindi na talaga magsalita" nakangiti kong sabi. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko naman magawa.

I'm not good at comforting people. Mas gusto ko pang tinatawanan sila kaysa ang i-comfort. 'Yun din siguro ang dahilan kung bakit people find me as a boring and dull person. They even find me a bitch sometimes. A person who seems to be happy-go-lucky in a serious situation. But I just don't care. I really don't care.

"Don't lighten up the atmosphere, Zen. I like it this way... just for a minute"

Haluh, umenglish na siya. At dahil wala naman akong magawa. Umupo nalang din ako sa bench na inuupuan ko din kanina. Matagal-tagal na nanahimik si Lucas kaya nanahimik din ako. It was a very comfortable silence. And then he spoke.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now