Highschool 49

89 4 1
                                    

Choices

"Dwayney! Jace! Jace Martin! Hoy! Sandali lang!"

Nakngtupa. Anong pinaglalaban ng taong 'to? Kanina pa 'to nagpapahabol sa'kin eh. Imbes na si Lucas ang ipapa-Don Zulueta ko (na ayon nga sa plano 'sana' namin ni Pearlalu) ay si Dwayne pa yata ang nagpapa-Don Zulueta sa'kin. May topak na naman ang taong 'to at hindi ko alam kung paano tatanggalin ang toyo niya sa utak.

"Hoy ano ba?! Bagalan mo ngang maglakad!" Sigaw ko sa kaniya pero hindi siya natigil. Mga ala una palang nga siguro at sobrang init ng araw. Para akong hihikain at nag-umpisa na akong mangati. Hindi ako sure kung allergic ba ako sa araw pero nangangati talaga ako kapag direkta.

"Dwayne ano ba?! Wala ka bang mama ha? Pagod na ako eh!" Sigaw ko ulit, peroni hindi siya tumigil. Kaunti nalang ang naliligo sa dagat at halos karamihan pa ay nanunuod sa habulan namin. Iyong mga kaklase ko ay hindi ko alam kung nasaan, at baka may orientation na naman akong ma-miss. O baka pagalitan na kami ng mga teacher namin sa sobrang tagal naming dalawa. Pero nagi-guilty kasi ako. Feeling ko kailangan ko siyang suyuin. Sows.

Pero pagod na ako talaga eh. Hingal na hingal ako kakahabol at pulang-pula na ang balat ko. Naks naman. Hindi naman ako mestiza pero namumula talaga ang balat ko. Baka hindi na 'to sun allergy kundi sun burn. Hindi ko nga alam kung may sun allergy ba talaga. Lols.

Hindi ko na nga mamulat ang mata ko at pawis na pawis na ako. Sumasakit narin ang ulo ko at nanlalabo ang paningin, hindi ko na halos makita si Dwayne. Myghad, hindi pa kasi ako nakakain ng maayos tapos naghabulan pa kami nitong may lalaking 'to na may toyo, suka, asin at walang hanggang ampalaya sa utak.

Nagpahingal ako at napahawak sa tuhod ko habang panay ang hinga ng malalim. Pinikit ko ng mariin ang mga mata dahil sa sobrang init pakiramdam ko ay mabubulag ako ng wala sa oras. Sa sobrang kakabasa ng libro at wattpad hindi na ako makatiis sa sikat ng araw. Bawas coolness na naman 'to pero pwede ko namang gamitin ang acting skills ko. Though masakit na talaga ang ulo at mata ko.

Ilang minuto akong naghintay na bumalik sa dati ang paningin ko kahit tutok na tutok sa'kin ang araw. Sa sobrang kati narin ng katawan ko ay nagpantal na ang balat ko. Nakngtupangina nga naman oo. Kailangan kong sumilong. Baka umitim pa ako eh maitim na nga ako.

Tumuwid nalang ako ng tayo at humakbang bago ako tuluyang pumikit at dire-diretsong natumba sa buhanginan. Pustpa, mas mainit pa yata dito.

___

Dwayne Martin

"Dwayney! Jace! Jace Martin! Hoy! Sandali lang!"

I just need to unwind. Ilang taon na akong nagpapasensya, at ngayong may lakas ng loob na ako, saka pa may pumasok na naman. I don't even know where that asshole came from but I just don't like his guts.

"Hoy ano ba?! Bagalan mo ngang maglakad!"

Ba't hindi niya nalang bilisan kung ganun?

Napahinga ako ng malalim. Mainit sa mga oras na 'to at hindi ko gustong nakikipag-habulan pero hindi ko din naman siya pinilit na sumunod.

"Dwayne ano ba?! Wala ka bang mama ha? Pagod na ako eh!"

Palibhasa kasi ay napakayabang. Punong-puno ng confidence. I loved that, ever since. Hindi na ko na itatanggi.

Grade 7, ang daming pinapagawa ni Mama kaya late ako ng pasok. It took me a week to finish everything. My father wanted my brother to be the heir of our company, yet, Kill, as black sheep as he is didn't want to. Mas gustong makipag-away at mainvolve sa lahat ng klase ng gulo, kaya sa'kin nalang inilipat ng ama namin ang kumpanya. I've always wanted to be a doctor so I accepted his offer. Sa lahat ng gusto ni Kill, ako lagi ang naaapektuhan. Pero ayos lang naman.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now