Highschool 50

134 4 1
                                    

Almost the Ending

A/N: This update is dedicated to my friends, Ara Kate, Pearl, Lovely and Jossette. Kay Aumaya for the cover  (na ilang beses pa kaming nagpilitan para magawan ako at naging unang basher ko, kasi ako niyan), Shems, ang unang supporter at taga-demabd ng updates. To my real life friends and my friends here in wattpad.

Sa reader na masipag mag-comment at mag-vote. @crystalLorito hindi kita ma-tag😂

To my readers,  and those people na nagtyagang itambak ang story na 'to sa libabries and reading lists nila, thank you very much.

So iyon nga, I love you with all my heart. Salamat at umabot kayo dito.

___

Matagal akong nakipagtitigan sa kaniya noong araw na iyon. Nasisinagan siya ng araw habang nakalagay ang kamay sa bibig at nanlalaki ang mga mata sa'kin habang pulang-pula.

Damn. Ipagpapalit ko ang lahat ng gatorade ko para makita ko 'yun ulit.

Sinapak ko pa siya ng konti para matauhan bago siya tumawa at hinila ako para yakapin. Nakakadami na siya pero hindi na ako nagreklamo.

Pagbalik namin sa tinutuluyan namin ay pinaulanan kami ng maraming tanong ng mga guro namin at pinagalitan. Pero kahit pa ganun ang nangyari ay wala akong naramdamang inis.

Normal pa kaya iyon?

Dapit hapon na ng hinayaan na naman ulit kaming lumabas at magliwaliw. Dahil bukas daw ay puro activity na kami at wala ng outdoor lessons. Kung meron man ay babantayan kami at hinding-hindi kami makakalayo. Kaya ni-take advantage na namin ang pagkakataon.

Panay ang sama sa'kin ni Dwayne sa hindi ko malamang dahilan. Dikit ng dikit eh.

Patay na patay siguro 'to sa'kin.

Medyo naninibago ako, parang ang tagal na ng panahon simula nung una akong pumasok sa relasyon pero ngayon lang yata ako sumaya.

Ni hindi ko alam na dadating ang panahong sasabak pa ako ulit. Pero sa ngayon, wala pa naman.  Hindi pa naman siguro ako lumalabag. Walang sinabi si Dwayne na kahit anong assurance tungkol sa bagay na iyon. Wala siyang sinabing kahit ano matapos ang titigang iyon at matapos kong umamin.

Gusto niya ako, hindi niya ako mahal. Oh hindi niya pa sinasabi.

Normal lang ang pagkagusto, kasi maganda ako. Isang bulag lang ang hindi magkakagusto sa'kin.

Pero gusto ko iyong mapanghahawakan. Dahil ipinangako ko na sa sarili ko, na ang susunod na gagawin kong kasintahan, gusto ko ay iyong tatagal na hanggang sa altar. Ay hindi, iyong aabot na sa altar. Ayoko ng pumasok sa ganito ulit kung wala rin namang patutunguhan.

Alam kong highschool palang ako, at mas naniniwala ako sa haba ng oras para masukat ang pagmamahalan.

"Zen?"

Napatingin ako sa kaniya ng nilingon niya ako. Tinatamaan ng kahel na sikat ng araw ang kaniyang mukha habang naririnig namin ang tunog ng alon. Kung titingnang mabuti, para kaming nagsho-shoot ng film sa ganda ng paligid.

Naisip ko si Lucas. Ni hindi ko naisip na magkikita pa kami ulit. Akala ko imposible na, dahil kahit sabihin nilang maliit ang mundo, para sa'kin ay malaki parin iyon. Bibihirang magkita ang mga taong pinaghiwalay na ng mga panahon at pagkakataon. Pero ayun, biglang nagpakita. Hindi naman sa big deal iyon, pero siya ang unang taong pinagdudahan ni Dwayne. Muntik pa akong mamatay. Lol.

Bigla akong sinundot ni Dwayne sa tagiliran kaya napakislot ako sa gulat. Umusog siya patabi sa'kin at hinawakan ang ulo ko. "Anong iniisip mo?"

Pati iniisip ko inuusisa nito. Tapos ang landi-landi pa. "Si Lucas." Ayaw kong magsinungaling.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now