Highschool Disasters: Ewch!
Rate
Kakainis ang lalaking 'yon! Hindi naman siya inaano, ingay siya ng ingay!
"Rate!! Hintay-hintay naman diyan!"
Napairap ako sa hangin. Nasan na ba kasi 'yung Dristine na 'yon? Simula ng mabigyan 'yon ng seatwork hindi na bumalik. Nang dumaan ako kanina sa library eh nandon pa siya pero ng balikan ko siya ulit wala na! Nalingat lang ako ng kaunti nawala na siya! Iniwan pa niya seatwork niya kay Dwayne! At heto pa ang isang 'to! Nanggugulo sa'ken!!
Natigil ako sa paglalakad ng hawakan niya ang braso ko.
Aba FC!
d(-__-)b
"Rate! 'Wag ka nga pakipot! *huff* Napagod ako kakahabol sa'yo!"
Ay malamang mapapagod ka kakatakbo! Edi nashock ka pa kung napagod ka ng walang ginagawa! Tsk! At ako pa ang pakipot? Tch
"Oy! Sagot-sagot naman diyan! Nakain mo dila mo? Tsk! O baka naman kinikilig ka diyan kaya 'di ka nagsasalita?" Nakangisi niyang sabi at itinaas-taas pa ang kilay.
Kdot.
'Dristiiiiine!! Nasan ka na ba?! Mamamatay na yata ako kakaiwas sa lalaking 'tooooo!!'
"Raaaaaaaate!!! Nandito ka lang pala!!"
Yeeeeeees!!!!! Sa wakas! Dininig na ang panalangin ko! I labyuu na talaga Lord! Kahit hindi si Zen Lord okay lang!!
"Josseeeeeeette!!! Kanina pa kita hinahanap! San ka galing? Nakakain ka na? Gumaganda ka yata ah?"
Waaah! Lord! Patawarin mo ako sa pagsisinungaling ko! Hindi ko naman sinasadyang sabihin 'yung last sentence e!
d(T^T)b
"Huh? Syempre maganda talaga ako! At oo tapos n----aa!!" Hinila ko na siya agad.
Baka lumaki ang ulo nito mahirap na.
d(>_<)b
"Tara kain tayo!" Malapad ang ngiti kong sabi at mabilis siyang dinala papuntang canteen.
Iniwan ko na si Demver ng nakanganga pa.
Ha! Sana 'di na siya magpakita pa!
d(^__^)b
"Wow! Anong masamang hangin ang nalanghap mo at dinala mo si Jossette dito, Rate?"
Napalingon ako sa kaliwa. Si Pearl pala, kaibigan ko. Kulot ang buhok niya at medyo morena siya kaya madalas ko siyang inaasar lalo na kapag madilim.
"'Yung medyas mo Pearl! Accidentally naamoy ko! Whoo! What the heck! It's smells helly! Gross" pag-iinarte ni Dristine na ginantihan lang nang katakot-takot na hampas ni Pearl.
Sadista rin 'yan! Magsama silang dalawa ni Dristine!
'Pero ohh? Nandito din ang isang 'to? Ba't 'di ko yata napansin?'
