Highschool Disasters: O edi wow! (Part 2)
Continuation
PAGPASOK ko sa second gate nang entrance ay bumungad agad sa'kin ang madilim na hallway ng school. Minsan kinatatakutan ko din ang parteng 'to ng ground floor.
Simula yata nung namalik-mata akong may nakitang multong nakasabit sa may pakong nakatingin sa'kin na nasa loob ng kwarto ng Kuya ko... natakot na ako sa madidilim na lugar.
d(>__<)b
Lumunok muna ako ng laway bago nagtuloy-tuloy ng lakad at saka lumiko sa medyo maliwanag na parte at doon nalang dumaan.
Tatlo naman kasi talaga ang main entrance ng mga floors eh. May stairs sa kanan, 'yung madilim na hallway na didiretsuhin mo kapag aakyat ka ng second floor at 'yung dadaan ka sa court para sa intersection ng buildings.
Ganun lang. Ganun kaliit.
d(-____-)b
Dumaan muna ako sa locker area at kinuha ang gamit ko.
Nang hilahin ko ang pinakahuling notebook ko sa mukhang basurahan naming locker ay may papel na biglang nahulog. Kinuha ko iyon at binasa...
From: Anonimos
Hi Tin! I'm a secret admire. Do we frends? H3h3ckzzx :)Pfft! Try hard ang Kuya mo! Bakit nakakatawa? Pwedeng bang manglait kahit minsan lang?
"Bwahahaha! Muwiset! Sinong gumawa nito?" Mahina ang boses na tawa/ panlalait ko.
Itinapon ko nalang ang sulat sa pinakamalapit na trashbin pagkatapos ko yatang hingalin dahil sa pagpipigil ng tawa at pagpilit na hinaan 'yon dahil baka may makarinig.
Bushet.
Pagpasok ko sa classroom ay agad na nagsilingunan sa'kin ang mga kaklase ko.
Pansin ko rin si Dwayne na nakaupo sa isang tabi at natutulog lang.
Feeling matalino ang kuya mo... 'di na nakikinig eh.
d(-___-)b
Madalas niya 'yang gawin in religion class. 1 week palang siguro ang lumipas pero ganiyan na ang attitude niya.
"Why are you late, Ms. Rion?" Taas-kilay na sabi nung teacher sa harap.
Teacher namin sa biology. Si Ms Yasmin Rion? Magpinsan kaming kalahati malapit sa Sitio Candelaria. Ako naman nasa pinakadulong baranggay ng Aristocrats.
"Uhmmm... m-may ano po kasi-- m-may hinabol akong i-ipis! Hehehe.. kinausap ko po kasi 'yun kanina kaso ayaw akong sagutin kaya hinabol ko. H-hehe?" 'Lang-kwenta kong sagot na inirapan lang nung teacher
"Next time when your goin' to talk about nonsense things as excuses, just stop it. It doesn't help" pangaral nito at iminuwestra akong umupo.
Halos makahinga ako ng maluwag nung pinaupo na ako. Geez.
"By the way class, we supposed to have a group activity, but instead, I want a two by two. Do you understand me?"
"Yeeeees Maaaam" my classmates said in a prolonged unison.
"Hmmm! So, I wan't you to pick your own partner"
Agad akong tumingin kay Rate pero nakatingin din pala siya sa'kin kaya swak na.
Wala na akong poproblemahin.
d(>___<)b
"And what you have to do is... you will make a poster of the things that represent you as yourselves. And... it is related to Biology so you don't have to be confused" matalim ang titig niya habang sinasabi niya 'yon.
Nagtaas ako ng kamay kaya tinaasan niya ako ng kilay. "Isn't it supposed to be individual Ma'am? We can't make a two way poster for one" medyo naiilang kong suggest.
"No! If you can't do what I said, then don't! You don't have to invent stupid excuses" mataray nitong sabi. Tssk!
__
Natapos ang araw ko at masaya na akong umuwi. Mas madalas ko na tuloy na gusto sa bahay dahil naho-homesick ako. Nung elementary kasi ako, doon din nagtatrabaho si Mama ko sa school canteen namin kaya magkasama parin kami. Ngayong wala siya sa kahit saang sulok ng school, naho-homesick ako.
Pagkarating ko sa amin, saka ko naramdamang may maikling vibration sa bulsa ko. Senyales na may nagtext sa'kin. Pagkabukas ko sa cellphone ko may unknown number.
From: 09716******
Hi Tin!
Recieved: 4:10To: 09716******
Sino po sila?
Sent: 4:11From: 09716******
Dinelete mo ba number ko? Ako 'to si Brent.
Received: 4:12To: Brent
Ahh... ikaw 'yung lalaking nagbigay sa'kin ng chocolate kanina?
Sent: 4:13From: Brent
Ako nga. Naubos mo na?To: Brent
Dadiabetisin ako kapag inubos ko 'yon. 😂From: Brent
Diabetes agad? 'Di pwedeng tonsil muna?To: Brent
Tonsilitis kaya 'yun.And the conversation went on... marami kaming napag-usapan. Kung ano ang madalas kong gawin. Hanggang sa napapansin ko nalang na napapangiti ako sa mga sinasabi niya. Sa bawat tawag. Siguro... ganun talaga kapag first time mong ginagawa ang isang bagay. Well, meron narin naman akong unang pag-ibig. At sa tingin ko, hindi naman pag-ibig 'tong nararamdaman ko. Bitter parin kasi ako at hindi ako madalas kiligin. 'Di ba ganun dapat 'yon? 'Yung lahat ng ginagawa niya big deal sayo tapos halos mangisay ka na sa sobrang kilig kapag may ginagawa siyang okay sayo. Dun ko lang din nalaman na nagkakasundo kami sa maraming bagay. 'Yun nga lang, may pagkapresko talaga siya. Madalas niya narin akong kinakausap sa school at minsan, pinagtatanggol niya ako sa mga kaklase niyang mapang-asar. Masyado din siyang seloso na kahit hindi pa naman kami... binabakuran niya na ako sa ibang lalaki, lalo na kay Maze. Sa mga panahon kasing 'yon, tutor ko sa Math si Maze. Kaya naging close kami. Hanggang sa dumating ang araw na...
From: Brent
Tin... matagal na akong nanliligaw sayo. Kailan mo ba ako sasagutin?Nakatanggap ako ng mensahe mula sa kaniyang ganiyan. Sa madalas naming usapan, isinisingit niya rin ang mga bagay na 'yan. Wala pa kasi talaga akong alam sa pag-ibig pag-ibig na 'yan. 'Yung sakin kasi dati, puppy love lang 'yon. Simpleng pambatang-pag-ibig lang. Pero parang may kumurot kasi sa puso ko ng maimagine kong malungkot ang mukha niya habang tinatype 'yon.
To: Brent
Hmmm... sige na ngaFrom: Brent
Ha?To: Brent
Ang slow mo 'no? Ang sabi ko... sige na nga. Oo na. Tayo na☺From: Brent
Yeeeees!! Sigurado ka? Tayo na?😀To: Brent
Ayaw mo ba?😮 Sige binabawi ko na😅Nung pumayag ako... pakiramdam ko gumawa ako ng maling pagsisisihan ko. Katulad kasi ng normal na mga magulang, mahigpit akong pinagbibilinang 'wag na 'wag magno-nobyo dahil bata pa ako. Ngayon, ito ang pinakaunang bagay na ginawa ko para sumuway ng magulang.
At natatakot ako... na baka mas marami pa ang magiging kasunod..