Highschool 30

98 4 0
                                    


Church


Maaga na naman akong nagising kinaumagahan. Kahit walang klase maaga akong nagigising dahil doon nasanay ang body clock ko. Tsaka, pinapagalitan din kaya ako!

"Dristeeeeeeeeen!!! San ka na naman nagsususuot!!" Sigaw ni Mama.

Agad akong napatago sa may makinang pantahi dahil sa tawag ni Mama. Mukhang galit at laging meron dahil nakasigaw kahit malapit lang naman kami. Hindi naman ganun kalaki ang bahay namin para hindi kami magkarinigan.

"Ikaw na bata ka! Magtatago ka nalang labas pa ang ulo! Pako ka ba?" Si Mama nasa likod ko na.

"Uhh, hindi ako nagtatago Ma... n-nahulog 'yung isa mong sinulid. Hinahanap ko lang"

"Hayaan mo na 'yan diyan at maghugas ka na ng pinggan doon!"

Grabe, kakagising ko palang maghuhugas na ako kagad.

(After 10 minutes)

"Ano ba?! Hanggang ngayon 'di ka parin tapos? Ano ba 'yan hinuhuhgasan mo?! Isang balde?!" Bigla na namang sulpot ni Mama sa likod ko. Ano ba siya? Mushroom?

"Isang banyera"

"Anong sabi mo?!"

"Huh? Patapos na ako Ma. Hehehe"

"Okay"

Close kami niyang si Mama. Trip lang sigurong magsungit ngayon. It's either may pinagalitan siyang isa sa'ming magkakapatid at dinadamay lang kami sa kasungitan niya. O kaya naman ay pagod na siyang magtrabaho dahil kahit weekends ay may trabaho o pasok ang iba kong mga kapatid. Alas tres o alas kuwatro siya gumigising para maihanda sila ng pagkain.

Binilisan ko nalang ang paghuhugas na sinadya ko talagang pabagalin. Wala naman talaga akong ginagawa kapag walang klase.

Lumabas nalang ako ng bahay pagkatapos. Tumakbo sa gitna ng kapatagan para makatawid papuntang kalsada. Mas madali kapag dumaan sa kapatagan dahil mas mahabang panahon ang gugugulin kapag iikot kapa sa kalsada.

"Hi Tin" bati ng isang kaklase ko nung elementary.

Nginitian ko lamang siya at hindi na nagkumento. Snob ako. Hahaha. Parang excited na ako bukas.

Pagkarating ko sa basketball'an ay umupo ako sa bench na nandoon. Oo, kahit umaga ay may naglalaro na doon. Crush ko din 'yung isang manlalaro nila doon eh.

So habang nanonood ako, may bumato sa ulo ko. Bola. Tae ang sakit. Pero okay lang, sanay na akong sinasaktan. Tapos sila din lang ang magagalit. It's either magsosorry sila o tatawa. Yun tayo eh, tayo parin mag-aadjust bandang huli.

Okay, tama na ang drama. Juiceko naman Zen, kailan ka pa natuto sa mga kadramahan mong 'yan? Uso ba 'yan ngayon? Pwe, nakakasuka ah.

"Sorry ha?" 'Yung crush ko. So kunwari kinilig ako. Jokes. Di porket crush mo na nagsorry sayo eh kala mo may future ka na sa kaniya. Na baka maaring ihalintulad mo na sa wattpad ang mga susunod na pangyayari. Lul, asa ka pa.

"Sa susunod umupo ka sa malayo para 'di ka matamaan" dagdag niya saka ngumisi at pinasa sa kasamahan niya ang bola.

Kinantyawan siya ng mga kasama pero may KJ na nagsalita.

"Huy kapatid ni Zeke yan, baka bugbugin kayo nun 'pag umiyak 'yan" sabi nung si Regaldo. Psh. Bubugbugin ko din kayo, bubugbugin ng panlalait. Char.

Napaikot sa ere ang mga mata ko. 'Di ko maiwasang magtaray lalo na't ayaw kong pinagtatawanan. Ako na natamaan, ako pa pagtatawanan. Well, life goes like that.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now