FlashbackIsa lang naman talaga akong normal na istudyante. Maingay, medyo shunga mag-isip. Pero dahil naman sa personality kong 'yun, nakilala ko ang mga kaibigan ko.
Elementary, masasabi kong maganda at exciting ang elementary ko. Nakilala ako ng karamihan bilang isang mabait, magalang, marespeto at behave na istudyante. Pero ang 'di lang nila alam, kailangan ko lang ipakita 'yon para wala silang maipintas sa'kin. Pero nang magkaisip na ako (yung tunay at hindi inosenteng pag-iisip) nakita ko din ang mga itinatagong baho ng mga teachers ko.
Akala ko noon, natural lang ang mga bagay na 'yon. Hindi pala. Kasi nang mag-Grade 5 na ako, nalaman kong ginagawa ng mga teachers ko ang lahat para iangat ang posisyon ng kaklase kong si Rielle. Simula ng Grade 1 napansin ko na ang kakaibang trato sa kaniya ng mga teacher namin. Siguro dahil 'yung tunay na mabait at walang tinatagong kashungahan katulad ko.
Grade two naging 4th na siya, na dati namang fifth. Hanggang Grade 4, 2nd na siya. Galing ah. 'Yon pala, pinapaburan siya ng lahat. Hindi ko naman kasi siya masisisi. Eh may potential naman 'yung tao.
Kung titingnan kasing mabuti, masyado kaming kabaliktaran. If I'm a rulebreaker, she's a peacekeeper. If I'm the rebel, she's always and will always be the good kid. If she's the angel, then I'm probably the devil. Pero kung magpapaligsahan kami kung sinong mas matalino, talo siya. Dipende sa subject. Hahahahaha.
So 'yun nga, lumaki akong black sheep ng pamilya. At mas lalong ako naman ang pinuno ng mga katarantaduhan ng section namin. Grade 5 kasi ako nang malaman ko ang mga pinag-gagagawa ng mga teacher ko. Isang beses may meeting non, and the conversation went like this...
"Mrs. Principal, my daughter has the rights to be the first honor of the Grade 5, Section 1." Those are the exact words that Rielle's mother uttered in front of all the parents who attended the meeting.
"Ma'am! Hindi po pwedeng siya ang magdesisyon. Kung pagbabasehan ang grado nilang dalawa, mas mataas ang sa anak ko," my mother countered.
Bawal kami nong sumama kapag may meeting. Pero dahil hindi ako sumusunod sa mga teachers namin, sumama parin ako. In their faces, hindi ako utusan okay.
At 'yun pa ang naabutan ko.
"But if we base it on their characters, it's very clear that grades are just really numbers. Your daughter's stubborn, her habits are bad. My daughter's good and behave. Yours? She always breaks the rules. Where is the 1st honor's character in that? After all, they cannot deduct Grades to your kid because they are scared of your family connections," sagot naman ng nanay ni Rielle. Partida, puro at diretsong ingles. Akala niya naman matalino na siya non? Pero in fairness, maganda pakinggan 'yung sinabi niya. Wala naman akong naintindihan nung time na 'yun.
Palibhasa, teacher 'yang nanay niya. Mas matalino sa mama kong dating nagtatrabaho lang sa isang DJ station. Hindi ko ikinakahiya ang mama ko, dahil ang ipinapakita niyang katapangan ngayon sa harap ng lahat, ay sadyang ipinagmamalaki ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/122100290-288-k310620.jpg)