Highschool 45

89 5 1
                                    

Trip to Casa Martin

Halos maglandian na kami ni Dwayne sa clinic dahil sobrang sweet niya at caring. Kanina pa niya ako pinapakain at pinaiinom at pinupunasan ng bimpo dahil namumutla daw ako at masakit ang puson ko.

Kung pwede lang...

"Jacey mylabs so sweeet! Kunin mo 'yong tubig ko sa bag!" Utos ko pero tamad lang na tumayo ang buwisit at kumuha ng baso saka sa despenser na malapit kumuha ng tubig.

"Kukuha ka pa doon eh malapit lang dito." Tamad niya ding sabi at binigay sa'kin iyon saka umupo sa kanina niya pang upuan at muling nagbuklat ng libro.

Minsan ko naring hiniling na sana maputol ang katawan noong upuan niya at matumba siya sa sahig tapos matamaan ng libro ang ilong niya para maputol narin.

"Bwisit, mamatay ka na. Mamatay ka na, mamatay ka na," chant ako ng chant pero mukhang wala talaga siyang pakielam.

So para saan iyong mga tawa niya? Jokie jokie lang? So joker na siya nun?

"Hoy g*** ka"

"Huwag ka ngang magmura. Ang pangit pakinggan. Pangit ka na nga, pangit pa lumalabas sa bibig mo. Anong mapapala mo sa pagiging pangit? Hindi ka ba nasasawa?"

Aba'y kupal.

Kinuha ko nga ang napkin sa may lamesa at binato sa kaniya. Pero hindi pa naman 'yon gamit. Like iiw, may manners naman ako kahit papano.

Inis siyang tumingin sa'kin. "Anong problema mo?" Kunot noong tanong niya.

Ang tapang. Nagtanong pa.

Napanguso nalang ako at muling humiga saka doon nalang humarap sa pader.

Buwisit na 'yon. Wala na ngang kwenta ayaw pa akong landiin. Char.

"Hoy," tawag niya.

Hindi ko siya pinansin. 

"Hoy panget."

"Gago."

Narinig ko ang pag-ismid niya. "Bungangera."

"Insecure."

Diniin ko pa ang hot compress sa puson ko ng biglang kumirot na naman. Alam kong namamawis na ako ng sobra, namumutla kahit maputla na talaga at baka nangangamoy na din. Buwisit talaga kapag may mens, nakakamatay ng beautyness. Pero naniniwala naman ako na hinding-hindi masisira ng mens ang kagandahan kong taglay dahil ang dyosa ay dyosa kahit may mens.

Narinig kong tumikhim ang lalaking insecure sa maganda kong boses kaya palagi akong sinasabihang bungangera.

Gago talaga.

"Masakit pa ba?" Kunwari'y nag-aalalang tanong niya.

Inirapan ko siya at kinagat ang dila para hindi magsalita. Aba'y napapagod din kaya ako. Excuses.

"Anong akala mo? Hindi? Dapat sayo maging babae ka din para malaman mo ang hirap at sakit na nararanasan ng buong lahi ni Gabriela Silang tuwing dinadatnan kami ng buwanang bwisita."

Pinigilan ko naman ang sarili ko.

Pero kulang eh.

"Anong gusto mong gawin ko?" Parang naiinis na sabi niya kaya ngiting-ngiti akong humarap muli sa kaniya.

"Nais kong maging alipin ang mahal na prinsipe," nakangising sabi ko na inirapan lang niya.

"Wala kang kwentang kausap."

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now