Highschool 31

91 3 0
                                    

Ayiiieh

The whole day, tinitingnan niya ako ng pang asar. Inaano ko 'to? Hmmph.

Nung uwian ay sinabihan kaming agahan namin sa Sunday dahil medyo maaga din kaming magpe-perform.

Haay.. may crush pa akong isa sa church eh. Si Zedekiah, tawagin nalang natin siyang Zed. Gwapo 'yon tapos sexy tapos gwapo ulit. Mas maputi sakin mas matangkad ng mga isang dangkal hahaha. Medyo maliit nga siya. Mas matanda sakin ng isang taon. Prends sila ni Dwayne.

May grupo ng mga lalaki din kaming kasama sa practice na 'yun. At napapansin ko ang nga titig nila... naghahanap yata ng away ang mga 'to.

Pagdaan ko banda sa kanila ay nag "ayiiiieh" sila. So ibig sabihin, dahil medyo assuming ako, feeling ko may isa sa mga lalaking 'yon ang may gusto sakin. Obvious men.

'Di ko na 'yun pinansin at pumunta kila Kuya Vien at nagpaalam. Si Kuya Vien ang leader ng mga youth sa Kalibo Main Church namin.

Tapos sumakay ako sa tryc.

"Angel, magkakilala nga pala kayo ni Jace 'no?" Biglang usyoso sa'kin ni Ate Miles (childhood friend ko, almost sister ko na ituring. Part ng tambourine ministry)

"Jace?" Painosente kong tanong.

"'Yung Jace Martin? Nito nito lang 'yan nagpakita dito diba? Ang gwapo ah" usyoso niya.

"Ahhh, oo kaklase ko 'yon hahaha. 'Wag mong kakausapin 'yon Ate, medyo baliw 'yun"

"Oo nga, halata naman. Ang ingay ingay eh. Pero gwapo nga" pagpupumilit niya.

"Oo na gwapo na. Pero babaero 'yan" paninira ko ulit.

"'Di naman halatang may galit ka sa kaniya ano Angel? May ginawa sayo 'yun 'no? Yiiiieh"

"Wala kaya. Ah basta, 'wag 'yon babaero 'yon. Mabait lang 'yon kila Kuya Vien, kasi plastic"

"Grabe umuulan ng panlalait sayo ah. May galit ka talaga dun, halata naman. Hahaha!" Singit ni Aleeza, kachurch mate ulit namin na myembro din ng ministry.

Halata ba ako masyado? Psh. Nakakairita kasi eh. Kahit tingin palang niya naaasar na ako. Hmph.

Paalis na ang tryc namin ng mapalingin ulit ako sa gate ng church at nakita ko ulit siya habang nakangisi at kumaway pa sa'min. Syempre... 'di ako kumaway pabalik pero sila Ate 'di na nagpapigil. Mga pilingera, akin 'yon eh. Char.

Hindi na ako muling lumingon hanggang sa makauwi kami. Pero 'yun parin ang iniisip ko. Kung pa'no ko haharapin ang kahihiyan ko bukas.

Pagkauwi ko ay paalis naman si Kuya Zeke. Mga 4:30 palang 'yon ng hapon. Gabi kasi nagliliwaliw 'yang Kuya ko.

"Hoy Zeke! Dito ka lang bantayan mo 'yung bahay!"

"'Wag na! 'Di naman umaalis 'yan! Hahahaha!"

Pagpasok ko ng bahay ay saktong binuksan ni Mama 'yung TV dahil gusto niya naman daw ng balitang napapanood tuwing umaga. 'Yung hindi puro radyo lang.

"Oh Zen, buti naman umuwi ka pa. 'Kala ko magpapagabi ka pa. Tsk tsk tsk" litanya ni Mama na nginisihan ko lang saka ako nagmano sa kaniya.

"Eh namiss kita Ma eh! Hahaha! Ghe bihis na muna ako" pangisi-ngisi kong biro at pumuntang kwarto para magbihis.

Ilang mintuo lang ang lumipas at tapos na ako agad. Ha! Girl scout ako buong elementary season ko kaya sanay ako sa pabilisan. Nagkataon lang na medyo tamad ako minsan kaya nagbabagal ako. So 'yun, share ko lang. Hahaha! Tapos non nakinood na ako sa kanila.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now