Highschool 32

96 4 0
                                        

Style

Natapos ang opening ceremony (which is sumayaw nga kami) tapos balik ulit kami sa quarters sa likod. Syempre nagbibihis ulit kami.

Tapos dumating na ang pagsho-shoe lacing. Tsk tsk. Kung ako lang si Naruto gagamitan ko na talaga 'to ng technique eh. Hahaha!

Eh sobrang tagal ko dun tapos 'yung Pastor pinapapasok na kami sa church. Huhubells. What am I gonna do.

"Angeeel bilisan mo na at pumasok na kayo"

"Ang tagal niyan ah" pang-aasar ni Zed kasama si Aljay na tropa din ni Jace.

'Nu ba 'yan, lahat nalang ba ng crush ko aasarin ako. Hmph.

d(-___-)b

"Mauna na kayo dun. 'Di ko naman sinabing hintayin niyo ko 'di ba?" Iritado pero may halong pang-asar kong sabi.

Natahimik sila at nagkatinginan bago nagngisihan at lumakad paalis. Right. I can't understand boys.

Maya-maya lang ay lumabas sa CR sila Jace. Nang makita ko siya ay agad kong isinuksok sa magkabilang gilid ng paa ko ang sintas ng sapatos ko at tumayo na. Seryoso siyang nakatitig sakin kaya kinabahan ako.

Wala naman akong ginawa sa kaniya ah!

"'Nung ginagawa mooo?" Maya-maya ay pang asar niyang sabi tapos ngumisi.

Nyeta. Ang sarap ipakain sa buwaya. Parang baliw.

Sinamaan ko siya ng tingin at nagtuloy ng lakad. Naalala ko, bading pala siya kasi nanghihingi siya ng napkin. Iweee.

"Hoy! Sandali lang!"

Napalingon ako ng bahagya at tiningnan siya.

"'Di mo pa natatali ang sintas ng sapatos mo" seryoso na naman ulit siya.

'Di lang baliw, may MPD pa yak! Abnormal!

"Oh tapos?"

"'Di ka marunong?"

"'Di ah, ang tawag diyan... STYLE" Tapos nginisihan ko siya.

"Style mo mukha mo, halika ako na gagawa" tapos iminuwestra niya pa ang kamay niya na lumapit ako pero umiling ako.

"No way!"

"Ang arte mo!"

"Wow close tayo?!"

"Oo!"

Tapos lumapit siya sa'kin. "Ayan close na tayo!"

Nakaramdam ako bigla ng hiya kaya napaatras ako ng ilang steps backward.

"Lumayo ka nga!"

"'Wag mo ko utusan! Ako na magsisintas ng sapatos mo kung 'di ka marunong!"

"Style nga eh" nao-awkward ko talagang sabi.

"Ampanget ng style mo kung ganun. Ako na gagawa 'di ka lang marunong eh. Spoiled ka siguro" walang karea-reaksyon niyang sabi.

'Di ako spoiled 'no! Duhhh!

"Wala kang pake'lam sa style ko. Tsaka 'di ako spoiled."

"Sus. Bahala ka" tapos lumapit siya ulit at 'di na talaga nagpapigil. Lumuhod siya para isintas ang sapatos ko.

"Mas mahalagang nakasintas 'to dahil kung hindi mas malaki ang pagkakataong baka madapa ka o mawala ang sapatos mo."

*tug* *DUG*

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now