Highschool 48

95 4 2
                                    

Pagbabalik

A/N: Unedited.

So iyon nga po, pakibilang kung ilang araw na akong wala. Char. Hindi ko po talaga alam kung paano 'to tapusin hahaha. Pagpasensyahan niyo na. Labyu guys.

__

Napalingon ako sa lalaking katabi ko at sinalubong niya ako ng salubong niyang mga kilay at nakakunot niyang noo.

"Alam kong maganda ako pero sino ka ba?"

Mas lalong nagmukhang masama ang itsura niya. "Kalimot-limot ba talaga ako?"

Nginisihan ko siya. "Sino ka nga?"

Mas lalong kumunot ang noo niya kaya binalik ko ang tingin ko sa dagat habang hawak parin ang likod ng tuhod ko. Tinitigan ko ng matagal ang lalaking kasama niya na naglalaro sa dagat.

"Tumaba ka."

Agad ko siyang sinapak kahit na hindi ko naman siya kilala. Sabihin niya na ang lahat huwag lang ang kataba****! Bad word 'yon sa mga babaeng mahirap magpapayat!

"U beach! Sino ka ba?!" Tanong ko ulit at umusog palayo sa kaniya. Iyong ibang mga kaklase ko ay lumilingon-lingon na sa'min habang nagkakantyawan sila Jordan at Demver sa malayo.

"Hindi mo ba talaga ako naaalala o sadyang magaling ka lang talagang makalimot? You're so unfair!" Biglang aniya kaya nilingon ko siya ulit.

"Alam mo ang drama mo! Wala ka bang kausap? Bigyan kita ng piso? Isa ka ba sa mga nagraraket sa tabing dagat na 20 pesos bawat picture?" Sunod-sunod kong sabi na nginisihan niya.

"Namiss ko ang bunganga mo. Maingay ka pa rin. Pero hindi ko matanggap kung ba't hindi mo 'ko maalala. Sa gwapo kong 'to hindi mo talaga ako maalala? Matapos mo 'kong iwan?" Singhal niya na kinunotan ko ng noo. Ang drama drama niya ah infairness. Pang Rama's. Pasok sa Oscars.

"Ha?" Hatdog.

"Ha! You're just being unfair, Zen. All these time I've been looking for you! And now what?! You can't remember me?"

Fita. Ayan na, umenglish na. Ayan na. Huhugot na 'yan.

Kinonutan ko siya ng ng noo at tinanong nang pinakapinagsisihan ko sa buong buhay ko nung umalis sila.

"Anong pangalan nung kuya mo?"

__

Busangot na busangot ang mukha ni Dwayne nang mabalitaan niya ang pakikipag-usap ko sa isang lalaki sa dalampasigan. Kadadating niya lang noong oras na 'yon at naiinis sa'kin kasi hindi ko daw sinabi na pupunta pala ako. May pa-Dani pa daw akong nalalaman.

Pero nainis din naman ako sa kaniya kasi sabay sila ni Claude pumunta, na hindi ko naman napansing hindi nakasama iyong halamang dagat sa'min sa sinakyan naming school bus.

"Sino 'yon?" Tanong niya habang supladong nakatingin sa'kin. Aba.

"Pakielam mo ba?" Tanong ko din pabalik at sinimangutan siya bago umalis.

"Hoy! Zen!"

Hindi ko nalang siya pinansin.

Tapos may activity kami non after. Kapit na kapit na naman sa kaniya si Claudine at ni hindi niya manlang tinatanggal.

Napasimangot ako lalo at napangiwi. Napansin iyon ni Pearl na katabi ko lang kaya siniko niya ako.

"Problema mo?" Tanong niya at kumunot ang noo.

Mas lalo akong napangiwi at napatakip ng ilong. "Amoy malansa," sabi ko at mas lalong hindi na huminga. Malinis naman ang bahay, ba't ang lansa-lansa.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now