Highschool 29

100 4 1
                                    


Grabe 'yung kahapon. 'Di na yata ako makamove-on! Whoo!!

Ngayon, kasalukuyan kaming naghahanda dahil kahit ako ay nasali din sa isang contest. Sabayang Pagbigkas daw. Sumali ako dahil napipilitan lang din. Ajujuju.

Pa'no eh nagsisi ako last year kasi hindi ako sumali. Ngayon, ayaw ko namang magsisi ulit pero kung ako talaga ang papipiliin, hindi na talaga ako sasali. Dagdag grades daw kasi.

d(>___<)b

Nakawhite kami ng shirt tapos naka-maong pants na itim. Medyo hindi ako kumportable kasi hindi pa nalalabhan ang damit ko. Kaninang umaga lang din kasi binigay ni Shemz sakin. Kahapon ko pinabili.

Ajujuju. Amoy shopping parin 'yung shirt.

d(-oo-)b

Ang unang nagperform ay sina Ara muna. Sabayang Awit naman 'yung tawag. Naiwan ako mag-isa doon sa tabi kasi halos buong section namin sumali.

~ Watashiwa anato aishitimasu
    Ich liebe dich
    Iniibig kita, wa ai ni  ~

Paglingon ko sa tabi ko nahuli ko si Kristien na nakatingin kay Dwayne. Mukha siyang malungkot pero dahil wala akong pakielam ay hindi ko siya pinansin.

Medyo natagalan ang Sabayang Awit dahil pangatlo kaming nag-perform. Gayun paman, kumpyansa na akong mananalo kami. Kung ako ang magja-judge, alam kong panalo kami. Lively kasi 'yung amin at parang enjoy na enjoy ang mga kaklase ko habang kumakanta.

Hindi mukhang napipilitan. Hindi gaya ko. Ahuhuhu.

Hindi din naman nagtagal ako kami na ang nag-perform. Sabayang Pagbigkas naman ngayon. Kabang-kaba ako sa hindi ko malamang dahilan. Siguro dahil sa hiya at dahil narin sa hindi ko kasama ang mga kaibigan kong magpe-perform. Nakakaba dahil wala sila para i-urge akong okay lang.

Kung ako ulit ang magja-judge, alam kong talo kami. Kung titignang mabuti, hindi pa masyadong okay na isabak kami.

Para kasing kulang pa sa practice.

Nang matapos kaming lahat ay sunod-sunod pa ang contest. May Sayawit, Singing Contest, Lullabys, Declamation at Balagtasan naman. Madami kasi talagang contest kapag Buwan ng Wika.

Kasalukuyan kaming nananahimik ni Ara sa tabi habang pinanonood ang nagdidiklamasyon sa harap.

Magaling palang magdiclaim itong ate ni Shahne. Feel na feel e.

Nakaramdam ako ng mga taong umupo sa likod namin. 'Di ko nalang 'yun pinansin. Alam na alam ko na kung sino 'yon, base sa amoy nila. Kung nakakalimutan niyo na, nasabi ko nang malakas ang smelling sense ko. Pero madalas din akong makalimot. Hindi naman ako aso para matandaan ang amoy ng amo ko.

At saka, ang lakas-lakas naman kasi talaga ng mga amoy nila. Ipaligo ba naman ang pabango eh.

"Rate, Rate, Rate. Kanina pa ba nag-umpisa?" Demver chanted.

Ito namang isang 'to kakaiba. Parang nagfe-feeling close. Alam ko namang may something pa sa kanila ni Frances pero nambababae na.

Heto na naman ang baliw na 'to at nanggugulo na naman kay Ara. Mr. Germs.

Mukhang hindi padin nila alam ang pangalan niya pero wala akong pakielam.

d(-____-)b

Inakbayan ko agad si Ara bago pa man siya lumingon sa likod namin.

I may act possessive but I just don't like Demver doing that.

Alam kong abnormal si Rate dahil wala siyang crush na lalaki, pero alam ko namang meron... magaling lang siyang magtago. At hindi din naman maiiwasan ang kakaibang feeling kung nakasanayan na.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now