Highschool 22

154 6 0
                                    

Highschool Disasters: Pasukan

A/N: Deleted

__

Excited na akooooo!! Hulaan niya kung bakit ako excited... ^_^

Syempre! Dahil Grade 8 na ako. At, minalas na naman ako sa unang araw ko. Dati, malas din ako kasi late ako sa unang araw. Ngayon, iba na naman ang problema ko.

Pinaasa kasi ako ni Sherrie. Naalala niyo? 'Yung kasama ko palagi sa trycicle. Ang sabi ko kasi magpapa-sundo ako sa sasakyan nila. Pinahintay nila ako dun ng isang oras. Halos magdadalawa na, bago ako itext na....

"Ay Tin! Nakaalis na kami."

Medyo masakit 'yon sa part ko. Kainis eh. Sana sinabi nalang nila agad. Kung hindi pa ako nireplayan ni Shemz, 'di ko pa malalaman. Doon ko lang narealize, minsan pala may silbi din sila. Hehehe.

At dahil don, kinapalan ko na ang mukha ko para makisakay ng walang bayad papunta sa pangalawang sakayan. Ito talaga ang hirap sa probinsiya eh, ang hirap makahanap ng sasakyan. Wala pa naman akong load non. Hindi ko mako-contact ang Papa ko para magpahatid nalang.

So yun nga, i-fast forward na natin. Medyo naiinip ako sa flow ng storya ko kaya i-fast-forward na natin.

Natuwa ako dahil pagdating ko sa school, e hindi ako late. Bwesit lang, nakalimutan ko na namang magtanong kung saan ang section 1. Mabuti nalang nagkasabayan kami Nissa. Pero hindi ko naman siya pinapansin dahil wala na naman ako sa mood makipag-usap. Ang sarap lang maging antisocial.

"Nissa! Faith ka, nasa first section kayo. New Building" inform ni Nicole. Isang babaeng taga-section-2 na kaibigan siguro nitong isa.

"Ah, SALAMAT!" Malakas na sabi ni Nissa

Unang araw palang maingay na siya. Kahit kailan, malakas parin ang bibig niya. 'Yung tipong magkatabi lang kayo pero kung makasigaw parang nasa ibang mundo ka. Wengya.

Pero salamat naman sa malakas at maingay niyang bibig kaya ako nakapasok ng room namin ng matiwasay. Nagkangitian pa kami nina Jossette. Aga ng mga 'to ah!

"Tiiiiiiiiiin!! Namiss kitaaàaa!!" Maingay na sabi ni Jossette at patakbong lumapit sakin

Hindi naman ako magkandarapang tumakbo paalis para makaiwas sa kaniya. Manghahalik na naman 'yan sa pisngi eh. Kadiri.

"Tiiiin!!" Pangungulit niya ulit at hinabol na naman ako

Waaah! Tulong!

*boogs!*

"Awch"

De ja vu ba ito? Bakit lagi akong may nakakabangga kapag pasukan? Haays. Ang ganda ko talaga.

"Tin! Mag-ingat ka naman. Unang araw ng pasukan nambu-buwiset ka na" mahabang litanya ng taong anak ni Binay

"Oh Dem! Long time no see!" Biglang singit ng isang lalaking... pogi!

"Oh Jace! Kamusta ka na?" Sagot naman ni Dem at tinapik din sa balikat si Dwayne bago inakbayan ito at sabay na silang pumasok

Phew! Naligtas ako sa kamang-mangan ni Dem! Mabuti naman.

*pok!*

"Aaaaaawch!!!" Pasigaw ko ng litanya.

'Pangalawa na 'to ah?!'

"Hoy Zen! Akala mo ba nakalimutan ko na ang ginawa mo sakin nung last day?! Magtutuos pa tayo!" Galit na sabi ni Rate at tumakbo bigla papunta sakin

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now