People Change
Shemz POV
MAINGAY ang buong classroom habang ako ay nakaupo lang sa upuan ko. Kinakain ang dalawang stick ng stick-o na naipuslit ko sa Guard na pakielamero ng pagkain. Pa'no pala kung wala kang agahan tapos kukunin niya pa ang memeryendahin mo sana? Tang-na naman.
Akmang isusubo ko na ang huling stick ng laman tiyan kong stick-o ay may humablot nito sa'kin bigla-bigla. Tae.
"Akin nalang ha? RK ka naman eh" biglang sulpot nitong pakielamero.
Sinamaan ko siya ng tingin pero ngisi lang ang isinagot niya.
"Bayaran mo 'yan! Libre mo 'ko mamaya!"
Aba! Hindi naman pwedeng walang bayad 'no!
"Aba naman! O sige ibalik ko nalang!" Parang takot na sabi ni Jordan at akmang ibabalik sa'kin ang nakagatan niya ng stick.
Eew. May germs na 'yan.
"Bayad na 'yan. Hindi na pwede ibalik"
Maglilitanya pa sana siya pero hindi ko na pinansin. Maiirita lang ako.
Napaayos ako ng upo ng may pumasok na guro. May kasama siyang babae.
Ano namang ginagawa nito dito?
"You have your new classmate Grade 8" anunsyo nung teacher
Magtatransfer siya?
"I'm... K-K-Kristien A-Angel Co--stalejo" uutal-utal niyang sabi ng mahina. Mahiyain yata.
"Can you tell us about yourself?" Tanong uli nung teacher.
Siya naman nakangiti lang. Pero kakaiba ang sinasabi ng mata. Parang naiinis na naiirita na niilang.
"I don't feel like talking much. I don't like socializing. I love arts but I don't know how to draw well. I'm a silent type and I don't like guys. Sorry for stereotyping." Sabi niya.
Puro negatibo alam neto.
"Okaay. You can sit" parang nagtatakang sabi ng guro.
Pati ang ibang mga kaklase ko nagtataka din. Pa'no eh magkamukha sila ni Zen. Ang pinagkaiba lang, malalaki ang pagkakakulot ng buhok ni Kristien habang ang kay Zen rebonded. Tsaka emerald-green ang mata ni Kristien habang ang kay Zen medyo brownish na itim.
Kaya 'di na ako magugulat kung pagkakamalan talaga silang kambal na dalawa.
d(-__-)b
Naglakad sya patungo sa kinaroroonan ko este sa katabi kong upuan. At dahil curious ako sa kaniya ay sinundan ko yung galaw niya. Pero iniiwas ko naman agad. Eh paano ba naman ang talim ng titig.
Sa unang tingin parang inosente. Ang creepy niya.
d(>_<)b
Hindi ko na lang 'yun pinansin at umayos ng upo.
Nagkaklase yung teacher sa harap at ako naman, eto tinetyempuhan na hindi tumitingin yung teacher sa amin sabay subo ng isang stick ng pepero, lamon ako ng lamon ng mapansin kong parang may tumitingin sa akin kaya linibot ko yung paningin ko at nadatnan kong tutok na tutok sakin si Ms. Transferee... tinaasan ko sya ng kilay.
"What?" bulong ko sa kanya
Iningusan nya lang ako sabay tingin ulit sa harap. Napairap nalang tuloy ako. Dagdag na naman sa mga taong mahirap i-handle.
